Martes, Agosto 7, 2012

Susuko Rin Tayo Sa Diyos

Maraming mga tao ang hindi nagtatagumpay even if they have all the elements to succeed. They have good education, background, connection, talent and skills but are not successful because they do not respond to God's call. Na kahit sila ay medyo tinatapik - tapik, pinipitik - pitik, sinasampal - sampal, binabatuk - batukan, hindi nila pinapansin ang Dios. Hindi tayo puwedeng manalo sa Dios. Susuko rin tayo. Hihintayin pa ba natin na magkabali - bali ang buto natin sa pagdisiplina ng Dios bago tayo sumunod? You can never win against God. And his calling and gifts are
irrevocable. Marami sa atin ang noong una ay sumagot sa tawag ng Dios. " Lord, magseserve ako sa 'yo. " " Lord, aawit ako para sa 'yo. " " Magbi - visitation ako Lord for your glory. " Lord, magtuturo ako sa Friday School sa Jeddah o Sunday School kung nasa Pilipinas ka, magta - tract distribution ako." Pero nasaan na tayo ngayon? Huwag tayong magtataka kung dating nang
dating ang mga  dagok sa buhay natin because the Lord is Calling our attention.
Proverbs 29:1 A man who remain stiff necked after many rebukes will suddenly be destroyed -- without remedy. God is not mocked. God is Sovereign. Binigyan niya tayong lahat ng kanya - kanyang bokasyon. Sa loob ng church at sa dami ng gawain dito, wala dapat unemployed. Wala dapat na idle. Kaya lang maraming tao ang tumatakas sa kanilang itinakdang vocation. They want the easy way out. They prefer the ministry of sitting, the ministry of listening, and the ministry of criticizing, which is not a vocation but destruction.

2 Thessalonians 1:11 " With this in mind, we constantly pray for you, that our God may count you worthy of his calling, and that by his power he may fulfill every good purpose of yours and every act
prompted by your faith. " We are all called  to godly vocation. Pagdating natin sa Paraiso, matatandaan pa ba kung certified public  accountant tayo. O kaya'y once - upon - a - time Binibining
Kamunduhan o Binibining Karnabal 1960 ka? Matatandaan pa ba kung may mga trophy tayo sa bowling? O kaya'y pagkagaling - galing ninyong architect? O pagkagaling - galing mo sa merchandizing at selling ? Irrelevant lahat yan dahil ano ang paguusapan doon? Paano natin kinareer ang ating godly vocation.
Tayong mga Christians ay mayroong superficial vocation - ang ating earthly career, our earthly studies and profession. But above and beyond that, we have real vocation which God himself has set
for us. Most unhappiness and dissatisfaction concerning a Christian's vocation is not really about his earthly vocation but on the vocation that God has called him to do. The vocation which is probably being neglected or forgotten. In 2 Timothy 1:9 " God has saved us and called us to a holy life. " In other words, our vocation is holiness. Kapag napabayaan natin ang pagpapakabanal na yan, kahit masaya tayo sa ating eartly vocation, magkakaroon pa rin ng vacuum sa puso natin. Hindi parin tayo magiging masaya. Inside every Christian's heart is a God - sized vacuum that only God can fill. And unless that is filled, we will keep on chasing after the wind. No matter how succesful we become, there will always be emptiness. Christians, our number one vocation is holy living no matter what our profession is. In Hebrew 3:1 " Therefore, holy brothers, who share in the heavenly calling, fix your thoughts on Jesus, the apostle and high priest whom we confess. " God calls us to fix our thoughts on Jesus. The moment our thoughts get fixed on other things - on materialism, lust, selfishness, worldliness - we miss the joy of our true vocation even if we indulge in the pleasure of the world.
Romans 12:6-8 " We have different gifts, according to the grace given us. If a man's gift is prophesying, let him use it in proportion to his faith. If it is serving, let him serve, if it is teaching, let him teach, if it is encouraging, let him encourage, if it is contributing to the needs of others, let him give generously, if it is leadership, let him govern diligently, if it is showing mercy, let him do it cheerfully. " The Lord has given us lots of vocation to choose from. We do not always have to do them all but we are at least called to be envolved in one. Prophesying or declaring the wonderful works of the Lord through preaching. Serving the Lord and his people through the church. Teaching the truths of God. Encouraging people by being an encouragement. Contributing is a vocation  . Leadership is another vocation. Being merciful is another vocation. Marami and unemployed by earthly standards. But the Lord continues to employ us in the vocations that he has really called us to do. There is a lot to choose from. What is your calling? What is your gift. Are you neglecting it? If you are neglecting your gift and your calling, even though you are in a very sophisticated and a very high paying job, you are still in wrong place. No amout of success in eartly vocations can compensate for failure in your divine devotion and vocation. And we cannot should not escape our godly vocation. Romans 11:29 " God's gift and his call are irrevocable.
Kapag tinatawag tayo ng Panginoon, hindi tayo makaiwas. Hindi tayo makatanggi. At hindi niya ito binabawi. It is possible that our unhappiness or failure in our eartly vocation stems from ndglecting and forgetting our divine vocation. Kung ganito ang nangyayari sa atin, huwag tayong makipag - contest sa Dios. Huwag tayong makipagbuno sa kanya. Huwag tayong makipag - wrestling sa kanya. Hindi tayo mananalo. Jesus is Lord. You may try to escape from his calling, you may try to escape from the vocation that he gives you, but you will never succeed. You will only succed to be more and more miserable.
How about you? your in the straight path or your own miserable path?

Lunes, Hulyo 30, 2012

Natisud O Ugali Na Talaga

Kapag meron tayong nagawang kasalanan na hindi naman natin ugaling gawin, we grieve na para bang  binasakan ng Mt. Pinatubo at ng Mt. Mayon e.! Mabigat ang pakiramdan. Nawawala ang galak sa puso. Pero sa simula lang iyon. Kapag paulit-ulit nang ginagawa ang isang bagay sabi nga ng iba nagkakalyo na. Unti-unti nang nawawala yung bigat. Unti-unti nang nasasanay. Awit 51:12 " Restore to me the joy of your salvation... David did not say, " Restore to me your salvation. " because salvation is permanent and needs no restoration. However David said, " Restore to me the joy of your salvation. " David knew that even though salvation is permanent, its joy is not. It's  joy is depends on our personal holiness. And so backsliding, while it may offer pleasures, robs us of joy. Kaya kung tutuusin natin, very cheap yung choice.

Masyadong mura. He who backslides for pleasure is shortchanged. Lugi.! Biruin nyo ipagpapalit natin iyong joy na hindi nawawala with something as fleeting as pleasure. When the agent that brings pleasure is gone, tanggal na kaagad e yung pleasure. Nariyan lang ang pleasure habang nariyan pa iyong ginagamit para maging pleasurable sa atin e ang isang bagay. Para lang electric fan, pag pinatay mo na, nawawala na ang lamig. Parang iyong sensation habang umiinom ka ng malamig na tubig sa gitna ng tag- init. Pag naubos na yung laman ng baso e wala narin yung pleasure.

Any pleasure matter is dependent on a physical source and the moment it is withdrawn, the pleasure is gone. So whoever will trade joy for pleasure is really stooping low. But that is what we do many times. " Backsliding robs us of joy " Meron ba namang nagbabackslide na ay meron paring joy? Kapag lumayo na tayo sa Panginoon, parang nilamukot na papel ang ating puso.!

Tama yun kapatid kaya nga lang sad to say na yung iba mas pinipili yung temporary kaysa sa pangmatagalang kagalakan. Tulad ng sinasabi mong pleasure hindi yan pangmatagalan. Pero yung
pleasure na dulot ng kaligtasan bigay ng Diyos pangmatagalan yun, sabi nga iba na yung nakasandal sa matatag.

Backsliding robs us of ministry and service to the Lord unless you are professional liar and a great pretender, you cannot be in a backsliding state at the same time, be in an active ministry. Maliban na lang kung talagang napakahusay mong manghuwad. Eto ang kalimitang dialogue ng mga spiritual backslider. Lie low muna ako ngayon. Leave muna ako. Hindi na muna ako magtuturo sa B.S., Magpapahinga muna ako. Puro mga excuses lang! Dahil ang katotohanan, bago pa man sila magbitiw ng ganyang pananalita, matagal nang naputol ang spiritual link. Pino-formalize na lang. Kawawa naman siya dahil nawalan ng ministry. Bakit siya umalis sa ministry? Kasi, a person that backslides creates ghost out of shadows. Kahit hindi mo siya inuusig, inaakalang siya'y inuusig. Kapag mayroon kang nasabi, aakalain niya pinariringan mo. Kahit wala ka namang ibig sabihin, akala ay mayroon. Kasi guilty.! Diba ganun naman talaga ang taong may sugat, madaling masaktan? At ang taong umaaray, tinatamaan! Kaya sila mismo ang unang umaalis sa ministry. Wala na nga naman silang joy sa ginagawa nila, bakit pa nga naman itutuloy? O kaya ay naiilang sila sa mga kasama. At kadalasan, kapag talamak na ang backsliding, nahihinayang na sila sa panahon o pagod na ibinibigay nila sa ministry.

A backsliding person is robbed of ministry and service. And if you are robbed of ministry and service, what happens? You are robbed of the privilege of gathering up for yourself treasures in heaven. Ikaw ang lugi. Pero yung mga taong nasa ministry na nagpapagod, nagpapakahirap, at nagmumukang kawawa - hindi.! Our God is a God of justice. And God knows how to repay. He repays a hundred fold, a thousand fold.

Ooops batu bato sa langit ang tamaan wag magagalit bagkus isipin ninyo na mahal kayo ng Diyos. Tamang tama yan sa lahat ng may mga ugaling "mala mala" sa paglilingkod at pagkilala sa Diyos alam natin yan kasi sinabi yan sa "Pahayag (Revelation)" na kung ang ating ugali tungo sa Diyos a sala sa lamig at sa init - isusuka ka ng Diyos - di ba masakit yun.. Kaya mag kapatid nakapagsimula na tayo natuto bakit pa natin ito pakakawalan. Ito yung sinasabi na "pag-iipon ng kayamanan sa langit".. so ang manatili hanggang wakas siya ang maliligtas... God bless

Huwebes, Hulyo 26, 2012

Ang Kalakaran Ng Buhay

Saan ka nakabase sa pagpapatakbo ng iyong buhay? Nabubuhay o gumagalaw ka ba ayon sa natutunan mo o nabasa sa salita ng Diyos o sa kalakaran ng tao sa ngayon? Siguro iisipin mo masyado naman akong makaluma o wala sa wesyo ng buhay sa ngayon. Kung ang pagbabasehan natin ay ang kalakaran ng buhay sa ngayon malayong malayo na ito sa mga nakasulat sa Bibliya. Nawawala na yung mga magagandang kaugaliang namana at natutunan natin.

Narito ang ilang halimbawa ng mga bagay a kakaiba na sa ngayon kumapara sa nakaraan. Isang ama apat na taong ginagahasa ang sariling mga anak. Ano ang tingin mo sa mga gumagawa nito di ba walang Diyos sa kanyang buhay.

Ang nasa isip lamang ay ang tawag ng laman. Isipin ninyo dalawa niyang anak ay inabuso sa murang edad pa lamang. Ano ang nagiging dahilan nito - kahirapan o kakulangan sa tamang kaalaman tungkol sa Diyos? Masasabing kahirapan pero kung susubukan mong tumingin sa kapaligiran marami naman na mahihirap na kayamanan nila ang paggawa ng mabuti at may kaalaman at takot sa Diyos.

Ang ikalawa ay kakulangan sa kaalaman sa salita ng Diyos. Maaaring ito ang malaking kadahilanan kasi nasa liblib silang lugar na ilan lamang ang nakakabasa ng salita ng Diyos. Hosea 4:6. sinasabi dito na "napapahamak ang aking bayan dahil sa kakulangan ng kaalaman". Ano ang ibig ipakahulugan ng kulang sa kaalaman? Kulang sa kaalamang pang espiritwal ang ibig ipakahulugan nito - kailangang makilala ninuman ang Diyos bilang Diyos, at manalig sa Kanya. Siya (Diyos) lamang ang makagagawa sa tao na mabago at malaman ang tamang pamumuhay ng maganda at marangal.

Pero ang pinag-uusapan natin dito ay kalakaran ng buhay. Marami ang nagsasabi na ang tamang buhay ay yung lagi kang naka-ayon kung ano yung patok at uso. Sa puntong ito ay hindi mo makukuha ang aking simpatya sapagkat naniniwala ako na hindi dapat nakabase ang buhay sa uso at kung ano ang patok sa ngayon. Naniniwala ako na dapat tayong manalig at matuto sa ating mga pagkakamali. Ano anu ba ang mga patok at uso sa ngayon na mas kinakailangang sundin ng mga kabataan kaysa sa mga payo ng magulang. Uso na daw ngayon na wag mong bibigyan ng anuman payo ang iyong mga anak sapagkat alam na nila ang kanilang ginagawa. Pero ano ba ang karaniwang
nagiging resulta nito - di ba kapahamakan. Utos ng Diyos na "ibigin natin ang ating mga magulang upang humaba ang atin buhay sa mundong ito.

Nagiging wala na sa ayos ang ating kabataan, marami na ang pasaway. Marami na ang nasasangkot na mga kabataan sa katiwalian. Marami ang hindi na umuuwi sa kanilang tahanan. Pero minsan makikita natin na ilan sa mga kabataan ay natutulak lang sa masama dahil sa barkada at minsan dahil na rin sa mga magulang na walang oras sa kanilang mga anak - kapabayaan. Ang masakit nito kapag nangyari na gobyerno ang sinisisi... Sino nga ba ang tama sa puntong ito?

Lunes, Hulyo 9, 2012

Sino Ako?

Kahit sino kapag narinig niya, natin ang tawag o mabanggit ang ating pangalan tiyak na lilingon ka o tayo. Bakit? Sapagkat narinig natin ang pangalan natin, ibig sabihin kilala tayo ng tumawag o nagbanggit ng pangalan natin. Pero hindi yun ang ibig kung ipakahulugan sa tanong na "sino ako?"

Ikaw sigurado ako na kapag tinanong ka kung sino ka may tiyak kang isasagot na pangalan kasama ang apelyedo. Kasama nito upang tiyak na kumpleto ang sagot mo - ang pangalan ng tatay at nanay mo at tirahan kung medyo napapasarap ang paglalahad mo. Ito ba yung ibig kung ipakahulugan sa tanong  na "sino ako?".

Sa bibliya ng tanungin ni Kristo sa mga alagad kung Sino Siya? Ano ang sagot nila? Di ba sumagot sila ng ganito. Sabi ni Pedro, ikaw ang anak ng Diyos at ang iba ang sabi ikaw ang anak ng tao na nakagagawa ng maraming himala. Sumagot si Hesus, tama kayo, Ako ang sinugo ng Ama para sa ikaliligtas ng lahat ng makasalanan.

Subalit ikaw, ako at sila - ano ang pakahulugan ninyo sa tanong na "sino ako?". Merong magsasabi na siya ay isang mabuting ama sa kanyang mga anak, meron namang ginagawa niya ang lahat para sa kanilang pamilya. Meron din namang sinasabing ako ang dumi ng aking pamilya sapagkat ako ang
nagbibigay kamumihan sa kanilang pangalan. Maraming bagay ang patungkol sa atin namasasabing tayo ito, makapaglalarawan kung sino tayo sa paningin ng taong nakapaligid sa atin.

Naalala ko pa yung sinabi ng aking kaibigang mestisong chinese. Noon daw siya'y napakatalas ng dila sa dahilang mahilig siyang magtinda ng kahit ano, nasanay na daw siya hanggang nadala niya ito hanggang sa pagtanda niya. Nakapag-abroad na dala pa rin niya ang ganong ugali, hanggang nakakilala sa Panginoon (nagkaroon ng relasyon - naging BA). Subalit naroon pa rin ang kaniyang ugali na pagiging matalas ang dila, walang pakundangan, kung ano ang maisip yun ang sinasabi. Minsan meron naman siyang punto kaya lang mali ang paraan ng pagkakasabi. Kapag sinasabihan sya ang tanging isinasagot ay ganito: "ganito na ako noon pa".

Ang tanong: alam natin na kung sino tayo sa ugali, sa pagkatao. May posibilidad ba na mabago ito? May paraan ba na maiwasto ang ganitong paningin nila sa kanyang sarili? Sabi ko nga minsan may punto naman siya sa mga sinasabi niya at katwiran... Ikaw saan ka sa kanila?