Hindi!!! Balikan nga natin yung pangyayari sa mga sinasabi ni Pablo doon sa Roma 9:11-21 na mababasa natin na lahat ng maling pagpili ni Essau at ang Paraoh ay sa Diyos lahat nag-ugat samantalang doon sa talata 31 at 32 nakapatungkol ito sa mga Israelita na di matanggap ang Kristo samantalang ang Diyos lamang ang makagagawa ng lahat ng ito ayon sa Kanyang panukala at kalooban.
Ang mga Israelita ba na hindi tumugon sa paanyaya sa piging at kasalan ay walang dahilan? Ang kanila bang mga pasya ay maylaya? Isipin ninyo sumugal ba ang Diyos sa mga Hudyo na itatakwil nila si Hesus, at ipapako siya ng Kanyang isugo si Hesus dito? Natisod ba sila sa mga batong katitisuran sa kanilang pagpili, at layang magpasya? HINDI. Roma 11:8 – Ayon sa nasusulat: Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng pagkalito. Binigyan niya sila ng mga matang hindi nakakakita. Binigyan niya sila ng mga taingang hindi nakakarinig. Ito ay hanggang sa ngayon.
Ngayon ibibigay ko ang ilang mga katanungan at kasagutan na naka-ugnay sa mga turo ni Santiago at Pablo mula sa kasulatan.
1.) Sino ang gumagawa ng kasamaan? Kawikaan 16:4 – Lahat ng nilalang ng Diyos ay mayroong wakas. At ang masasama sa kaparusahan babagsak. Isaias 54:16 – Ako ang lumikha ng mga panday, Na gumagawa ng sandata. At ang gumagamit sa sandata’y Ako rin at walang iba.
2.) Sino ang dahilan bakit hindi dumalo sa paanyaya sa kasalan? Isaias 63:17 – Bakit ba, O Yahweh, kami’y tinulutang maligaw ng landas. At ang puso nami’y Iyong binayaan na maging matigas? Balikan mo kami, Iyong kaawaan. Ang mga lingkod mo na tanging iyo lamang.
3.) Kapag ang puso natin ay matigas at tayo’y nagkakasala sa Diyos, sino ang may pananagutan para tayo ay ituwid? Isaias 64:12 – Yahweh, aming Diyos matitiis mo ba ang bagay na ito? Tatahimik ka ba habang naghihirap kami ng ganito?
4.) Sino ang dahilan sa ating pagsisisi at pagtalikod sa ating mga pansariling kakayahan? Tito 2:11-12 - Ito ay sapagkat ang biyaya ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan ay nahayag sa lahat ng mga tao. Ito ay nagtuturo na dapat tayong mamuhay sa kasalukuyang panahon na may mabuting paggamit ng isip, mamuhay na matuwid at mamuhay na may pagkilala sa Diyos. Mamuhay tayong tumatanggi sa hindi pagkilala sa Diyos at makamundong pagnanasa. Hebreo 12:6 - Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga iniibig niya, pinapalo ang bawat tina-tanggap niya bilang anak.
5.) Sino ba ang dahilan sa naging kahinatnan ng mga Israelita? Jeremias 18:4 – Nakita kong kapag ang ginagawa niyang sisidlan ay nasira, minamasa Niya uli ang luwad at hinuhugisan nang panibago. 1 Corinto 5:5 - Ang hatol ko ay ibigay ninyo kay Satanas ang ganiyang tao para sa pagwasak ng kaniyang katawan. Ito ay upang maligtas ang kaniyang espiritu sa araw ng Panginoong Jesus.
Ngayon matapos kong ipakita sa inyo ang ilang katanungan na naka-ugnay sa ating pinag-uusapan – nakita rin natin ang mga kasagutan na mula sa kasulatan at malinaw na ang Diyos ang siyang gumagawa sa lahat ng bagay ayon sa Kanyang kalooban, panukala at pasya. Hindi ninuman ang pweding mangyari para masabing merong layang magpasya ang sinuman ng walang dahilan na nagmula sa Diyos.