Martes, Hulyo 21, 2009

Saan Ka Patungo Tao?

Kung ang pagbabasehan natin ay ang pasimula kung bakit nilalang ng Diyos ang tao makikita natin ang talagang layunin Niya. Makikita rin natin kung ano ang Kanyang nilikha na hinugis na kawangis Niya. Mababasa natin sa banal na kasulatan na sa pasimula nilakha Niya ang tao sa dalawang kasarian lamang ang lalake at babae, na ang bawat kasarian ay mayroon sariling layunin sa buhay. Noon pa mang una ay may mga babala na ang dalawang kasarian na hindi katanggap tanggap ang magsama o makipag-ugnayang sensuwal ang parehong kasarian.

Hindi naman madaling malimutan ang isang tagpo sa kasulatan na nagalit ang Diyos sa mga tao sa kanilang mga ginagawa partikular ang pakikisiping sa kapwa lalake o kaya ay kapwa babae, yan ay nangyari sa Sodom at Gomora. Yan ang isang dahilan kung kaya ginawa ng Diyos ang ayaw Niyang gawin sa Kanyang mga nilikha sapagkat mahal Niya tayo. Subalit nagging matigas ang ulo nila at sinunod ang pita ng laman.


Ganon din ang babala ni Apostol Pablo sa mga taga Roma at sa ating lahat na mababasa sa
Roma 1:26-27 - Sa dahilang ito, hinayaan sila ng Diyos sa pagnanasang walang dangal sapagkat maging ang kababaihan nila ay nagbago ng likas nilang gamit patungo sa taliwas sa kalikasan. Gayundin ang mga lalaki sa pag-iwan nila sa likas na gamit ng mga babae. Sila ay nag-aalab sa pita sa isa't isa. Ang mga lalaki kasama ang lalaki ay gumagawa ng kahihiyan at tinanggap nila ang kaparusahang karapat-dapat sa mga liko nilang gawa.


Kaya naman sang-ayon ako sa nabasa ko sa isang pahayagan ang hayagang pagtutol ng mga taga simbahan. Ganito ang sabi nila “Iginiit kahapon ng isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi pa rin katanggap-tanggap para sa Simba­hang Katoliko ang “same sex marriage” kahit pa legal na ito sa ibang mga bansa tulad sa ilang es­tado sa Amerika.


Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Ca­non Law chairman at Tag­bilaran Bishop Leo­nardo Medroso, kung ila­lagay sa usaping moral, ang pag­papakasal ng magkapa­rehong kasarian ay maiiba ang tunay na ka­hulugan ng kasal na itinakda para lamang sa lalaki at babae. Ipinaliwanag pa ng Obispo na malinaw na ang same sex marriage o kasal ng lalaki sa lalaki o kasal ng babae sa babae ay isang pagsuway sa natural law o universal law na kailangang sundin aniya ng lahat. Kung anya hindi susu­nod ang tao sa natural law sa pamamagitan ng hindi pagrespeto o pag­ga­lang dito, tiyak na masi­sira ang kultura at posib­leng ma­kaapekto sa mora­lidad ng tao."


Nawa kayo diyan na nakaka-isip ng mga ganitong hakbang babala ko lang na isiping mabuti at piliin ang nararapat at kalugod lugod sa Diyos. Tandaan na pinaghahandaan natin yung kaligtasan ng ating kaluluwa sa darating na panahon hindi yung tawag lang ng laman.

Miyerkules, Hulyo 1, 2009

Kalaban nga ba ito? Unang yugto..

“Ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng boong katawan. Tulad na lang ng mga nangyayari sa paligid natin sa mga kapwa natin Pilipino, makikita natin ang mga ganitong sanhi ng kaguluhan. Heto sa ibaba ang unang apat na kadahilanan ng kaguluhan…

1. Mga Matandang Nagbabata-bataan – ayon sa ginintuang katutuhanan “noong ako ay bata nag-iisip, kumikilos, nagsasalita akong isang bata, ng ako ay lumaki at nagkaisip nawala na yung mga isip bata kundi ako’y nag-iisip, kumikilos bilang isang matanda. Subalit kabaligtaran ata ang nangyayari sa ngayon kung alin pa yung mga matatanda ang siyang kakikitaan mo ng kilos at isip bata. Lalo na sa mga kababayan nating nagtatrabaho ditto sa kaharian marami ang tumatanda ng paurong ika nga kaya karaniwan gulo ang kinasasandlakan
I Corinto 13:11 - Nang ako ay bata pa, nagsalita ako tulad ng bata, nag-isip ako tulad ng bata, nangatwiran ako tulad ng bata. Nang ako ay malaki na, iniwan ko na ang mga bagay na pambata.

2. Mga Nanay na nakikipag-kompetensya pa sa manugang na babae – heto pa yung isang bagay na nagiging sanhi ng kaguluhan sa mag-asawa, pamilya at sa komonidad natin. Ang mga beyanang ay hindi gaanong nakakasundo ang manugang bagkos naroon yung sinisiraan, panagdaramutan at minsan nag-aaway. Lalo na kapag hindi gusto ng beyanan ang naging manugang, eh sino nga ba ang pipili ng magiging asawa ng kanyang anak ang nanay o yung anak? Ano ang nagiging dahilan? Di ba pera. Ito yung nakagugulo kapag naki-alam na ang mga nanay sa pamilyadong anak.
Efeso 6:4 - Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak sa halip ay alagaan ninyo sila sa pagsasanay at sa turo ng Panginoon.

3. Ikatlong Partido sa Mag-asawa – ang pag-aasawa ay marangal sa lahat at ang pagsasamahan ng mag-asawa ay wala dapat dungis. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya. Dapat alam ng mag-asawa ang ganitong panuntunan sapagkat kung hindi kaguluhang pampamilya ang idudulot. Masakit matawag na kulasisi o may kulasisi pero bakit karaniwang nagaganap ito? Tulad na lang ditto sa kaharian “bato-bato sa langit ang tamaan ay bukol”, kaya tayo naririto ay upang mabigyan o mabago man lang ang katatayuan ng pamilyang iniwan, pero nawala ang ganong kaisipan ng makakilala ng iba.
Marcos 10:8 - Ang dalawa ay magiging isang laman kaya hindi na sila dalawa kundi isang laman.
Hebreo 13:4 – Ang pag-aasawa ay marangal sa lahat at ang pagsasamahan ng mag-asawa na walang dungis. Ngunit hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya.

4. Magulang na Nakiki-alam sa Pangarap ng mga Anak – bakit ba nagkakaroon ng mga anak na nagrerebelde, nagiging adik, walang dereksyon ang buhay? Diba minsan kapag ang gusto ng anak na maging ay nahahadlangan ng mga magulang. Diba ang magandang gawin lang ng magulang ay supurtahan ang anak sa kanyang napiling kuning pag-aaral hindi yaon pilitin ang bata sa hindi nila gustong pag-aralan.

Mga sempleng dahilan na nagiging sanhi ng kaguluhan una sa pamilya palabas sa komonidad at sa bansa. Tayo’y mga tinatawag na bagong bayani masasabi mo bang isang bayani kong may dungis ang iyong pagiging may-asawa?