2.1 Ang Pagsubok kay Job
Sa ating nakaraang paksa napag-aralan natin ang kung papaano natukso sina Adan at Eba na ayon sa kalooban at pagkilos ng Diyos. Ngayon sa pangalawang halimbawa natin ay ang pagsubok sa buhay ni Job. Alam at natunghayan natin kung gaano siya katiyaga sa kanyang naging buhay. Sa kabila ng kanyang tinatangkilik at tinatamasa naransan din niyang subukin ng ang lahat ng kanyang alagang mga hayop at mga bukirin at ang pinaka matindi ng ang kanyang lahat na anak ay mamatay sa unos.
Sa unang kabanata ng aklat ni Job makikita natin na halos kaparehas ng ating naunang halimbawa, bakit ko nasabi ito: Tingnan natin sa mga sumusunod na pagkakatulad:
Kaninong panukala na subukin si Job sa gayong pamamaraan? Job 1:8 – Napansin mo ba ang lingkod kong si Job? Tanong uli ni Yahweh, Wala siyang katulad sa daigdig. Malinis ang kanyang pamumuhay. Siya’y mabuting tao, may takot sa akin, at hindi gumagawa ng masama, dugtong pa ni Yahweh. Napansin ninyo si Yahweh ang nagbigay ng pansin kay Satanas patungkol kay Job, para bang ipinagmamalaki niya si Job. Pero ano kaya ang ginagawa ni Satanas sa mga sandaling yaon bago siya tawagin ni Yahweh. Job 1:7 – Tinanong ito ni Yahweh, Ano ang gawain mo ngayon? Nagpaparoot parito sa lahat ng sulok ng daigdig, sagot ni Satanas. Bakit ginagawa ni Satanas yon? 1 Pedro 5:8 – Humanda kayo at magbantay. Ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na humahanap ng masisila. Yun pala naman kaya si Satanas ay akyat manaog sa lupa upang maghanap ng masisila sa mga tao.
Kaninong panukala para kainin ni Adan ang bunga ng punong ipinagbabawal? Sino ba ang naglagay ng puno sa gitna ng halamanan si Satanas ba? HINDI diba. Ang Diyos ang lumikha ng dilim at liwanag, nagpapadala ng kapahamakan at kabutihan – Isaias 45:7. Nakita natin si Yahweh ang naglagay ng punong iyon hindi si Satanas, kaya masasabi natin na ang lahat ng iyon ay nakaplano ng mangyayari ayon sa kalooban at panukala ng Diyos noong una pa man Efeso 1:11. Bakit kaya yung ibang puno sa halamanan tulad ng puno na nagbibigay ng buhay ay hindi napakaganda sa paningin nila kumpara doon sa pinagbabawal na kainin? Sapagkat sinabi sa kasulatan Isaias 53:2 – Kalooban ni Yahweh na ang kanyang lingkod ay matulad sa isang halamang natanim sa tuyong lupa. Walang katangian o kagandahang makatawag pansin. Wala siyang taglay na pang-akit para lapitan siya. Baka matanong ninyo sino ba ang lumikha sa ahas nayun – ayon sa kasulatan Job 26:13 – Sa pamamagitan ng hininga niya’y umaaliwalas ang langit. Nilikha ng kamay niya ang dambuhalang tumalilis. Ang lahat ay pinayagan doon ay ayon sa kanyang kalooban, sa kanyang kamay at ito ay nakaplano na noong una pa bago pa mangyari iyon. Gawa 4:28 – Isinagawa nila ang lahat ng bagay na dapat mangyari na itinakda mo noon pa.
Ipagpatuloy na lang natin ang halimbawang ito sa sunod nating pagkikita, sapagkat marami pa tayong ipakikita mula sa kasulatan ang tungkol dito.
Sabado, Enero 24, 2009
Pagkilos ng Diyos – 2a
Sabado, Enero 10, 2009
Pagkilos ng Diyos – 1
A. Pagtukso sa Tao
Tulad ng nasabi ko sa mga nakaraang kaisipang tinatalakay natin, ngayon ibibigay ko dito mula sa simula ng kasulatan kung paano kumilos ang Diyos sa Kanyang nilikha ng ayon sa Kanyang sariling kalooban at panukala. Ang unang pagkilos ng Diyos ayon sa Kanyang kapangyarihan ay ng tuksuhin ang mga unang nilikha sa hardin ng Eden. Sa Kanyang kapangyarihan at panukala si Jesus ay pinatay dahil sa ginawang pagsuway ni Adan, ito’y natala bago pa likhain ang unang tao si Adan – 2 Timoteo 1:9 - Siya ang nagligtas at tumawag sa atin sa pamamagitan ng isang banal na pagtawag, hindi dahil sa ating mga gawa ngunit ayon sa kaniyang sariling layunin at biyaya. Ito ay ibinigay sa atin kay Cristo Jesus bago pa man nagsimula ang panahon.. Ibig sabihin noong una pa bago magkasala ang unang tao ay nakaplano na kung paano ipakikilala ang tagapagligtas na si Jesus. At heto pa ang katunayan mula sa kasulatan Tito 1:1-2 - Akong si Pablo ay alipin ng Diyos at apostol ni Jesucristo ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos. Ayon sa kaalaman ng katotohanan at ayon sa pagkamaka-Diyos. Mayroon akong buhay na walang hanggan na nakabatay sa pag-asa. Ito ay ipinangako na ng Diyos na hindi makapagsisinungaling, bago pa sa pasimula ng panahon..
Napakalinaw naman na ang Diyos ay nagpauna na si Adan ay tutuksuhin at yon ang Kanyang naging kasalanan ng suwayin ang Diyos ng kanin niya ang ipinagbawal na bunga. Na ayon sa kasulatan ang nilikha ay mula sa alabok, mahina, marupok at hubad, ika nga madaling magkasala. (Pahayag 3:17 - Sinasabi mo: Ako ay mayaman. Ako ay naging mayaman at hindi nangangailangan ng anuman. Hindi mo alam na ikaw ay sawimpalad, nararapat kahabagan, maralita, bulag at hubad.). Alam natin na si Adan at ang ipinagbawal na puno ay isa lamang sa mga nilikha ng Diyos. Subalit ang natitirang katanungan ay kung papaano si Adan ay natukso samantalang sabi ng Diyos na Siya’y hindi nanunukso ng tao? Wala itong problema sa manlilikha. Si Adan at Eba ay nadala ng kanilang pita ng laman – Santiago 1:14 - Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito.. Tinukso ba ng Diyos sina Adan at Eba? Hindi. Pinilit ba ng Diyos si Adan para sumuway s autos na wag kanin ang bunga? Malinaw na hindi.
Hinding hindi pinilit ng Diyos ang sinuman para magkasala o sumuway. Ginawa Niya tayo na mahina at madaling matukso na tulad ng alikabok na ating pinagmulan. Hindi kailangan ng Diyos na tuksuhin tayo sapagkat ang ahas na manunukso ay talagang alikabok sa lupa ang kanyang pagkain. Pero kung tutuusin hindi talagang kumakain ng alikabok ang ahas, ang ibig sabihin ng alikabok sa ating pinag-uusapan ay ang espiritung nananahan sa atin (Santiago 4:5 - Sinasabi ng kasulatan: Ang Espiritung nananahan sa atin ay labis na naninibugho. Sa palagay ba ninyo ay walang kabuluhan ang sinasabing ito ng kasulatan?). Si Santiago rin ang nagsabing ang Diyos ay hindi nanunukso ng tao. At siya ang nagpatotoo na ang tao ay natutukso kapag ito’y nadadala ng kanyang pita na magreresulta ng kasalanan at pagsuway.
Sino ang makakapagsabi na batid nila ang sitas na ito: Juan 6:63 - Ang Espiritu ang siyang nagbibigay buhay. Walang napapakinabangan ang laman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritu at buhay., Awit 104:30, Job 32:8 at marami pang iba na pasusubalian na ang “espiritu na nananahan sa atin ay may pagnanasa sa pag-iimbot na siyang espiritu na inihinga ng lumikha kay Adan at Eba at nagbigay ng buhay at hininga kay Adan. Tumpak ang Diyos ang nagbigay ng espiritu na meron tayo na nagnanasang mag-imbot, sumuway at iba pa.
Hindi, si Santiago ay hindi natuturo ng kalayaang pumili. Siya’y nagtuturo lang ng mga simpleng pagpili, pagpili na ang dahilan ay nagmumula sa lumikha ng langit at lupa. Ang Diyos ang Siyang dahilan ng anumang nangyayari sa lahat ng bagay ayon sa Kanyang kalooban at panukala. Nagyon masasabi na ba natin na ang kapangyarihan ng Diyos ang siyang kumikilos sa lahat ng nilikha Niya?

Sa ating pang-unawa at pag-iisip hindi natin matanggap ang kapangyarihan at pagkilos ng Diyos. Pinipilit natin ang ating kakayahan at pang-unawa na ang bawat pagpili natin ay ating kalayaan at kagutustuhan lamang na walang kinalaman ang Diyos patungkol dito. Saan kayo rito?
Sabado, Enero 3, 2009
Bago Simulan ng Bago..
Tulad na aking nasabi noong nakaraang kaisipan patungkol sa pagkilos ng Diyos ayon sa Kanyang kalooban at panukala, naipangako kong sisimulan ito mula sa panimula ng salita ng Diyos na ang ibig sabihin ay mula sa Genesis at tiyak ko sa inyo sa biyaya ng Diyos tatapusin ko ito hanggang sa dulo ng kasulatan ang Pahayag (Apokalipsis). Maraming bagay ang ating matutunan dito na may katiyakang mula lahat sa kasulatan hindi sa dunong ng tao. Dito ipakikita ko ang lahat ng halimbawa ng pagkilos ng Diyos sa Kanyang nilikha.
Pero hayaan ninyong balik tanaw natin ang mga kapahayagan sa pitak na ito bago natin simulan ang bagong kaisipan na nakaugnay sa kung paano kumilos ang Diyos sa Kanyang mga nilalang. Noong simulan ko ang blog na ito noong nakaraang taon maraming katanungan ang ating nasagot, maraming katotohanan ang ating natuklasan. Sa mga nakaraang kaisipan natin nagpapasalamat ako sapagkat may ilang mga mambabasa na naging matiyaga na makipag-aralan patungkol sa salita ng Diyos. Meron din naman na walang tiyaga na makibahagi sa mga ganitong pag-uusap.
Dati nga natatanong ko ang aking sarili dapat ko bang ipagpatuloy pa ito, samantalang parang wala namang may interesadong makabasa nito. Pero nanatili pa rin sa akin ang mithiin na sa anumang paraan ay maipahayag ang salita ng Diyos para sa mga taong may pandinig (Filipos 1:18). Naniniwala ako na kahit munting paraan ay maipapahatig ng pitak na ito ang mga katotohanan sa salita ng Diyos. Nasa isip ko na siguro hindi sa panahong ito magkakaroon ng malaking bahagi ang pitak na ito kundi sa mga susunod pang mga panahon ayon sa kalooban ng Diyos.
Naisip ko rin at nakita na umabot na pala ako sa mahigit na 60 kaisipan ang naibahagi sa mga mambabasa. Dalangin ko ngayon na maabot o malampasan ang bilang ng mga kaisipan naibahagi ko sa taong ito, mga kaisipang hango lamang sa salita ng Diyos. Alam ko na bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataon upang matupad ko ang mithiing yaon.
Dalangin ko rin na kayo sa lahat ng panig ng mundo na makakabasa nito ang bigyan ninyo ng kaunting panahon o sandali man lang upang mabasa ang ibat ibang katotohanan nilalaman ng pitak na ito.
Salamat po... Inaasahan ko ang inyong pagsubaybay.. Pagpalain po kayo ng Diyos..
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)