Ano ba yan tanong o pagbibiro? Dapat pa bang tanungin yan samantalang kilala natin ang Diyos. Talaga kilala mo, kasi sasabihin mo mula pa ng pagkabata tayo kilala na natin ang Diyos. Hello ang ibig kong sabihin anong pangalan ng Diyos at ng Kanyang Anak. Halimbawa: yung kapitbahay mo na 4 ang anak na trisikel driver - ay kilala mo sa pangalan. Kasi nga kapitbahay mo sila apat o limang taon na, na ang pangalan noong lalaki ay Perfecto at si babae naman ay Perfecta. Yan ang ibig kung sabihin.. Seryuso na ako, dito sa sisimulan nating kaisipan pagkatapos ng ilang taon na rin di natin nadagdagan yung pitak natin sa blog na ito. Marami tayong tatalakaying hiwaga at mga bagay na masasabi natin na mahalaga bilang tagasunod ng Diyos.
Hiwaga ng mga hiwaga daw ang usaping ito kasi hanggang sa ngayon marami ang katanungang lahat ay mga haka-haka lamang ang sagot ng karamihan. Dito ipakikita natin kung ano ang maaari o posibilidad na katutuhanan sa kasulatan. Unang tanong ang pangalan ba ni Hesus na "Jesus" na ating Panginoon at tagapaglitas ay hindi huwad o peke lamang.
Sa mga taong lumipas sa mga nababasa at naririnig natin marami ang naglalabasan na ang pangalan ng Diyos Ama at Kanyang Anak ay hindi raw tama o pinalitan ng mga nagsalin ng Bagong Tipan. Ang pangalan daw na Jesus ay hango sa paganong pangalan na mula sa Greyego diyos na si Zeus-G-zeus. Wow... nabasa ba ninyo ito?
Patulan natin ang ilang alegasyon patungkol dito:
Jehovah Witness at iba pa ay nagsasabing ang Diyos Ama sa Bagong Tipan ay pinalitan ang pangalang "JEHOVAH" ng DIYOS o PANGINOON na syang naka linlang daw ng karamihan sa tagasunod sa aspeto ng tamang pangalan ng Diyos Ama.. Nakakasunod ba kayo?
Balikan natin ang matandang panahon ng libo libong kopya ng ebanghelyo at sulat raw ng mga alagad ni Kristo ang ipadala sa buong Gitnang -Asia na hanggang sa ngayon tinatayang meron pang anim hanggang pitong libong kopya meron. At ito'y kinupya ng kinupya at pinadala matapos na ito'y isulat ng mga alagad. Ayon sa nabasa ko ito'y ipinamahage sa mga simabahan at kalipunan at mga pamilya. Pero walang nakababatid kung ilang kopya ang naipadala sa mga Ramano ng panahong yaon tanging Diyos lamang ang nakaka-alam. Yan ang kanilang aligasyon patungkol sa pagkakapalit ng pangalan ng Diyos.
Subalit sabi ng iba HINDI ito nangyari. Ang Banal na Spiritu ng Diyos raw ay hindi kinasihan ang lahat ng sumulat ng Bagong Tipan ng kanilang ginamit ang Hebrew name na "YHWH" na tinawag nilang (transliterated) sa "JEHOVAH" na makikita natin sa ibang kopya o salin ng kanilang ebanghelyo at mga sulat. Okay heto naman ang panangga ko kung si Jesus ay naparito upang itaas, igalang at itanyag ang pangalan ng Kayang Ama bakit hindi tayo nakakita kahit lang pahina o halibawa na si Jesus mismo ay gumamit ng pangalan ng Diyos Ama na JEHOVAH.
Sigurado ako na ang mga Jehovah Witness ay may kopya ng Greek na nakalagay doon ay ang pangalan na Jehovah sa boong Bagong Tipan. Pero wala silang ganong kasulatan kahit sa bago nilang New World Translation of the Holy Scriptures? Wala, kasi ang Greek word na "Lord" (Greek: kurios, hindi YHWH), na sabi pinalitan nila ng "Jehovah". At ang Greek sa "God" (Greek: theos, hindi YHWH) na kanilang pinalitan ng Jehovah. Sapagkat hindi iyon ang kahulugan noon kundi iyon ang kanilang pagkakahulugan doon. Tandaan natin sa: Pahayag 22:18-19 na hindi ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang kapangyarihang palitan o dagdagan ang Kanyang Salita.
Ang pangalang "Jehovah" ay mula sa tinatawag na (tetragrammaton) kung saan hinango sa mga letrang YHWH. Mula sa mga letrang ito ay nahango sa English name na "JEHOVAH. Sa mga susunod na talakayan ipakikita ko sa inyo kung paano nangyari ang ganon.
Saan matatagpuan ang mga nawawalang kasulatan?
Ayon sa nabasa ko, ito'y patuloy pang pinag-uusapan ang patungkol sa orihinal na ebanghelyo na hindi raw nasulat sa salitang Greyego, kundi sa Hebreo kung saan ang pangalan ng Diyos Ama ay YHWH. Subalit meron namang nagsasabi na walang ebanghelyo na nasulat sa Hebreo ang mga alagad. Walang nakita kahit saan.
Tingnan natin ang ibang panig sa mismong anak ng Diyos na si Jesus, ano ba ang Kanyang ginawa patungkol sa pangalan ng Kanyang Ama na Jehovah? Sasabihin ko sa inyo mga kapatid kay Kristo at sa lahat makikita natin na naroon ang Diyos sa lahat ng dako pero hindi sa paraan kung ano ang ginawa ng mga naunang nag sulat nito patungkol sa pangalang YHWH / Jehovah.
Para mapaikli ang paglalahad sa mga taliwas heto ang tanong ko: Ano ang tamang pangalang itatawag ni Jesus sa Kanyang Ama? Sinasabi ko sa inyo kung ang ibinigay sa akin na pangalan ng Diyos Ama ay Jesus yun ang gagamitin ko sa pagtawag sa Kanya.
Other Blog: CLICK HERE