Mateo 22:37- Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo.
Upang lumago ang pag-ibig sa Diyos, panatilihin Siya sa isip.
Sa mga kahabaan ng mga daanan ng tren maraming karatula na may babalang “mag-ingat sa puwang”. Ito ay upang iwasan ang ispasyo sa pagitan ng mga tren at ng plataporma. Sa mga mahahabang daanan tulad ng highway na may iisang salita – “Mag-Isip”. Parehong mensahe ng dalawang babala. Sa kaabalahan sa pag-iisip sa maraming bagay, madalas na nawala sa loob ang ginagawa at nakakalimutang mag-ingat.
Maaari bang mangyari ito sa ating relasyon sa Diyos? Nang tanungin si Jesus kung ano ang pinakadakilang utos, sagot Niya, Ibigin mo ang Panginoong Diyos nang buong puso, kaluluwa at pag-iisip (Mateo 22:37). Ang isip natin ay dapat lubos na suko sa Diyos at aktibo sa pagmamahal sa Kanya tulad ng nasa puso at kaluluwa natin.
Sabi sa isang aklat – Kung napakadali na may nag-iisip para sa atin, malaking tukso na huwag nang mag-isip. Sa halip na gamitin ang sariling isip sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos, sumusunod na lang tayo sa agos ng pamilyar at paulit-ulit na pang-araw-araw na kinaugaliang gawin. Sa halip na walang takot na mag-isip ng mga ibat-ibang mabuting paraan upang makita sa atin ang pag-ibig ng Panginoon, kampante lang tayo sa karaniwang kinabihasnang salita at gawa.
Mahirap ang pag-iisip ngunit ang umibig sa Diyos ay pribilehiyo at karapat-dapat pagbuhusan ng isip ito.
Nais kong ibigin Ka ng buong isip ko, tulungang makasumpong ng mga bagong paraan na ipakita ang pag-ibig ko sa Iyo sa isip, sa pagsamaba at sa aking pag-rerelasyon.