Miyerkules, Pebrero 25, 2009

Pagkilos ng Diyos – 2b

2.2 Pagsubok kay Job

Sa pagpapatuloy natin sa yugto ng ating tinatalakay tungkol sa pagtukso kay Job. Napag-alaman natin na si Job ay hindi ito nangyari ayon sa kanyang kalooban kundi sa plano at panukala ng Diyos na siyang kumikilos sa lahat ng bagay. Alam natin kung bakit ito nangyari kay Job. Maraming mga sitas sa kasulatan ang nagpapatotoo sa ating sinasabi hindi ito sa kaalaman ko lang, tulad ng sinasabi sa 2 Timoteo 1:9na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Jesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon.

At meron pa sa Tito 1:2at bigyan ng pag-asa sa buhay na walang hanggan. Bago pa lalangin ang sanlibutan, ang buhay na ito’y ipinangako na ng Diyos na hindi marunong magsinungaling. Hayan ang dalawang sitas na magsasabi na ang lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari sa lahat ng bagay ay ayon sa pagkilos at panukala ng Diyos. Hindi ito yung sinasabing may laya ang bawat isa na inaakala ng iba na ginawa n gating mga unang magulang doon sa hardin kung saan kinain nila ang ipinagbabawal na bungang kahoy.

Makikita natin na mula sa Genesis hanggang Pahayag ang lahat ng bagay ay para sa Diyos, lahat ng bagay kasama an gating mga pagpapasya. At sa huli sinasabi sa Roma 11:36 Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman, Amen.

Ngayon matatanong ninyo – paano naman ang mga gumagawa ng karumal dumal na kasalanan, ang siyang nagpapatay sa Kordero ng Diyos? Okay, tingnan natin ang inyong tanong kung paano nga naman. Ano ang sinasabi sa Mga Gawa 4:28 Isinagawa nila ang lahat ng bagay na dapay mangyari na itinakda mo noong una pa. Wow, anong sabi “isinagawa nila ang nararapat” – ano itong kanilang isinagawa, ito yung pagpatay sa Kordero ng Diyos, ito yung mga bagay na nangyayari sa ngayon na sa tingin natin ay mga karumal-dumal na kasalanan. Pero ano ang sabi – nangyayari ito sapagkat itinakda na ng Diyos na mangyari ito noong una pa man.

Nakita natin kung paano ipinakita sa unang bahagi ng aklat ni Job na ang mga anak ng Diyos ay haharap sa Diyos kasama si Satanas – Job 1:6. Pansinin ninyo hindi sinabi doon na si Satanas ay ang anghel na nagrebelde sa Diyos. Ipinakita ditto na meron siyang ginagawa at yun ang kaniyang Gawain – ang manukso, kalaban, ang demonyo. Si Satanas ay umaga’t hapon nagiging kaharap ang Diyos – yan ang hindi natin pwedeng katutuhanan sa kasulatan sapagkat yun ang kaniyang Gawain ang humanap ng mga taong kaniyang masisila.

Pero meron tayong matatanong – bakit ba sila ay sinubok at sinusubok ng Diyos? Hindi ko sasagutin sa ngayon ito sa sunod nating kaisipan ito sasagutin na buhat sa mga sitas sa kasulatan.