Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tri-in-one. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tri-in-one. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Mayo 14, 2008

Trinity Third Edition!!

Sino ba ang Diyos? Bakit parang ang gulo? Ganyan ang mga katanungang maaari nating marinig sa iba, diba pwede ganito na lang? Subalit ano ba ang ating magagawa para ipakita ang munting katutuhanang ating nabasa sa kasulatan, na baka sakali mabasa nila at maunawaan ayon sa kalooban ng Diyos.

1 Corinthians 15:28 – Now, whenever all may be subjected to Him, the Son himself shall be subjected to Him who subjects all to Him, that God may be all in all.

1 Corinto 15:28 – At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan Niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.

Ang sitas na ito ay napaka-linaw at marami pa nito ang mababasa natin sa kasulatan na tahasang sinasabi na ang Ama ay mas dakila kaysa sa Anak at ang Anak ay laging nagpapailalim sa Ama. Hindi sila magkapantay tulad ng sabi-sabi ng iba na wala namang batayan na kasulatan. Sila’y mag-ama, sila’y isang pamilya. At ang “spirit of God” ay siyang espiritu ng Diyos hindi ibang espiritu para maging trinity sila. Tayo’y naka-ugnay lamang kung ano ang katutuhanan sa kasulatan hindi yun gawa-gawa lamang ng taong nadidiliman ng kaisipan.

Heto pakatandaan ninyo na sa tuwing nagsasalita si Hesus patungkol sa kaugnayan niya sa Diyos Ama hindi Niya nababanggit o nasasama ang Banal na Espiritu. Kaya malinaw na hindi ang banal na espiritu kasama sa kanila upang maging tatlo. At hindi mo masasabi na si Hesus ay nagkakamali sa Kanyang mga pahayag. Heto tingnan ninyo ang sitas na ito:

John 15:1 & 5 – I am the true grapevine, and My Father is the farmer…. I am the Grapevine. You are the branches..

Di ba kita ninyo ang pagkakaiba ng kanilang kalalagayan. Pero bakit kaya hindi nabanggit ang banal na espiritu, nasaan kaya siya. Baka naman hindi pa siya naiipakilala, tulad ni Hesus noon sa Lumang Tipan pa. Pero sino at ano ba ang banal na espiritu? Tingan nga natin ang sitas na ito:

John 16:7 – It is expedient for you that I go away: for if I go not away, the Comforter will not COME UNTO YOU; but if I depart, I will SEND HIM unto you.

Ito bang sinasabing “comforter” ay kasama sa trinity na pinag-uusapan natin? Tingnan natin kung sino talaga itong Comforter. Napansin ba ninyo na sinabi ni Hesus na kung hindi Ako aalis ang comforter ay hindi darating sa inyo. Bakit mag-aaway ba sila, sigurado ko hindi yun ang dahilan kundi ang dahilan ay sapagkat ang comforter ay ang espiritu ni Hesus, ito yung banal na espiritu. Ituloy ninyo ang basa sa John 16:13-15 na ito’y naka-ugnay sa ating pinag-uusapang banal na espiritu. Ngayon mapapansin ninyo na mismong si Hesus ang sasagot sa usaping ito sa kanyang salita sa:

John 14:20 – In that day (when comforter comes) you shall know that I am in My Father, and you in Me, and I in you.

John 14:26 – Now the consoler (comforter), the Holy Spirit, which the Father will be sending in my Name, that will be teaching you all, and reminding you of all that I said to you.

John 14:27 – I am going, and I am coming to you.

Nawa nakita ninyo ang nais kong ipakita ayon sa mga kapahayagang inilatag sa itaas at sa mga nakaraang bahagi ng kaisipang ito. Nawa ang Diyos ang patuloy na gumabay sa atin sa pagtuklas pa ng mga kapahayagang nakalaan doon sa mga taong pinagkaloobang malaman ito… God bless you….

Martes, Mayo 13, 2008

Trinity Second Edition!!!

Nakita natin ang ibat-ibang kahulugan ng mga salitang naka-ugnay sa ating pinag-uusapan kasama ang salitang “trinity”. Ngayon ipakikita ko naman sa inyo ang iba pang mga sitas sa kasulatan na may kaugnayan sa ating pinag-uusapan. May nagsasabi ng ganito – A “Father” and a “Son” are the SAME PERSON and EQUAL. Kanilang pinanghahawakan ang sitas na ito – “I and the Father, We are ONE” John 10:31. Subalit tingnan natin ito at tandaan ninyo na HINDI sinabi ni Hesus na, “I and the Father, We are one GOD”, nakuha ba ninyo ang ibig sabihin. May nakita ba kayong sitas na nagsasabi ng ganon, lahat ay mababasa ninyo ay “ONLY ONE GOD”. Meron ba kayong makikita na “Who that ONE GOD is? Siempre meron tayong mababasa nito sa kasulatan. Heto bigyan ko kayo ng isang sitas patungkol sa sinasabi ko (in English)

1 Corithians 8:5-6 – For even if so be that there are those being termed gods, whether in heaven or on earth, even as there are many gods and many lords, nevertheless for US there is ONE GOD, the FATHER, out of WHOM ALL IS, and we for Him, and ONE LORD, JESUS CHRIST, through Whom all is, and we through Him.

Malinaw na sinasabi di ba na iisa ang Diyos at yun ang nagiisang Diyos, isa ang Panginoon si Hesus na nagbuhat sa DIYOS AMA. Tingnan natin ang sumunod na sitas ng
1 Corinthians 8:7 – But NOT IN ALL is there this knowledge. Anong ibig sabihin nito, na hindi lahat ay nakaka-alam ng ganitong katutuhanan. Wow hindi ako ang nagsabi niyan kundi ang kasulatan mismo. Masasabi ko lang ay pasalamat tayo sa Diyos kasi ipina-alam Niya sa atin ito.

Silipin uli natin yung sitas sa itaas na sinasabing ang LAHAT ay NAGMULA sa AMA at sinasabi rin na LAHAT AY PARA (THROUGH) kay Hesus.
John 16:27-28 - … I (Jesus) came OUT FROM GOD. I CAME OUT FROM THE FATHER….. Ngayon malinaw na ang lahat ng bagay ay nagmula sa AMA kasama na nagmula sa Ama an gating Panginoong Hesus. At ito pa sa 1 Timothy 2:5 – For there in ONE GOD, and ONE Mediator OF God and mankind, a MAN Christ Jesus. Kaya nga sa depensa nila walang trinity, triune of God. Sapagkat sabi nila sa bibliya malinaw na nakasaad ito – John 14:28 - … I am going to the Father, for the Father is GREATER than I. Saan ba natin makikita na sa Hesus ay mas dakila kaysa sa Ama.

Tingnan pa natin ito
1 Corinthians 11:3 – Now I want you to be aware that the HEAD of every man is Christ, yet the HEAD of the woman is the man, yet the HEAD of Christ is GOD. Saan natin mababasa o makikita sa kasulatan na nagging HEAD ng Diyos si Hesus, wala dib a? Ibig sabihin na ang diyos n gating Panginoong Hesus ay ang Ama, Ephesians 1:17 - … that the GOD OF OUR LORD Jesus Christ, the FATHER…. Si Hesus ay may diyos yun ay ang Diyos AMA. Hindi pwedeng pagbaliktarin kasi wala sa bibliya ganon din sa Banal na Espiritu. Heto pa ang ibang halimbawa na mababasa sa kasulatan:

Ephesians 1:3 – Blessed be the God and Father OF our Lord Jesus Christ.
Colossians 1:3 – We are thanking the God and the Father OF our Lord Jesus Christ
1 Peter 1:3 – Blessed be the God and Father OF our Lord Jesus Christ.

Maiba naman tayo, meron ba kayong maipapakikitang sitas sa bibliya na nagsasabing ang “banal na espiritu” ay Diyos. Kung ang banal na espiritu ay kapantay sa Diyos at Anak at may sitas ito sa kasulatan totoo ngang meron trinity, pero kung wala naman mananatiling doktrina ito ng mga Kristiyano at patuloy itong tatalukbong sa kanilang mata hanggang hindi ipinagkakaloob sa kanila na malaman ang katutuhanan.

Tandaan ninyo ito:

Philippians 2:6 – Who, being inherently in the form of God, deems it not pillaging (taking by force or plundering) to be EQUAL WITH GOD.

Itutuloy…

Lunes, Mayo 12, 2008

Trinity!!!

Sa mapapadaan, makakapabasa at mamumuna ipinapauna ko po sa inyo ang kaisipang ito ay batay sa mga nakalap na kaisipan, kapahayagan, nabasa at paniniwala sa makabagong pamayanan. Wala pong kinalaman ang gumawa nito sapagkat ako po ay taga-sulat lamang ng kaisipan o pitak na ito ayon sa aking pagka-unawa. Kung may kulang po o lumabis kayo na lang po ang bahalang umintindi. Wala pong kinalaman ang aking kasalukuyang paniniwala binigyan ko lang ng pagkakataon na isalarawan ang lahat ng mga kaalaman na nakarating sa akin.

Ang doktrina ng pagiging tatlong ng Diyos ay isang karaniwang kaalaman at paniniwala ng mga Kristiyano at ito ay kanilang tinatanggap ng buong puso. Hindi na kinakailangan pa ang mahabang kapaliwanagan o pagsusuri kung ito ba ay matatangpuan sa banal na kasulatan ko hindi. Ang paniniwalang ito ay nagpasalin-salin na sa ibat-ibang panahon at ibat-ibang henerasyon. Kapag ang pinag-uusapan ay pagiging tatlong persona ng Diyos lahat ng mga Kristiyano na naniniwala dito ay sumusunod sa mga ilahad ng mga eskolar na sumulat ng mga salin sa bibliya. Ang ating pinag-uusapan ditto ay ang pagiging tatlo persona ng Diyos ang:

Diyos AMA
Banal na Espiritu
Diyos Anak (Hesus)

Marami ang sumasalungat sa ganyang paniniwala, kasi naniniwala sila na ang Diyos ay iisa at ayon sa kanila kapag ang Diyos ay may tatlong persona ito’y lumalabag sa maraming kapahayagan at walang makikitang sitas sa bibliya. Ang mga sumusunod ang kanilang pinanghahawakang paniniwala na:

Walang sinasabi o mababasa sa bibliya na ang Diyos ay tinawag na tatlong person o Triune God.
Ang salitang trinity ay hindi ginamit o pinatungkol sa kung Sino o Ano ang Diyos
Ang Diyos ay hindi inihalintulad sa “a person” o “isang tao”
Ang Banal na Espiritu ay hindi nabanggit sa bibliya na isang Diyos
Alam na si Kristo ay Anak, Siya’y hindi maaring maging Diyos Ama o kapantay ng Kanyang Ama.

Bakit? Sinasabi sa Juan 14:28 – Sinabi ko na sa inyo, Ako’y aalis, ngunit babalik ako. Kung ini-ibig ninyo Ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapakat dakila ang Ama kaysa Akin. Protesta nila na ang banal na espiritu ay hindi tinawag na Diyos sa bibliya, ang Diyos ay hindi tinawag na tatlo. Subalit ang doktrinang ito ang pinaniniwalaan ng milyon milyong Kristiyano. Pero ano ba ang kahulugan ng salitang “trinity” sa diksyonaryo? Sa Hastings Dictionary sinasabi na ang Trinity – the Christian doctrine of God as existing in three persons and one substance is not demonstrable logic or scriptural proof. Kung titingnan natin sa kahulugan nito ang Diyos ay hindi inihalintulad sa isang “substance” sapagkat ang Diyos ay espiritu. Juan 4:24 – Ang Diyos ay espiritu, kaya Siya’y dapat sambahin sa espiritu at sa katutuhanan. Ibig sabihin hindi Siya dapat ihalintulad sa isang substance sapagkat Siya’y espiritu.

Paano ito nabuo ng mga eskolar ang pagiging tatlong persona ng Diyos, ayon sa kanila ito’y nagmula sa kahulugan ng salitang “triune” to mean three in one. This means that God, a singular being, exist in a plural manner… Sa Hebreo ang pangalan ng Diyos ay “ELOHIM” na matatagpuan sa lahat ng naunang kasulatan. Ang salitang Elohim na ang ibig sabihin ay three in one – ito’y binigyan ng kahulugan ng ibat-ibang sumulat kasama ang Noah Webster na nagbigay din ng kahulagan ng triune ay three in one. Subalit tingnan natin kung ano talaga ang tunay na pakahulugan ng salitang ELOHIM (Eloheem) sa Hebreo – is the plural form of ELOWAH (Eloah) which answer to “The Deity” at Theos – na ibig sabihin PLACER (God), literally DISPOSER or ARBITER. At kung ibig ng iba na makita kung tama itong sinasabi hanapin ninyo sa ibat-ibang diksyonaryo ang salitang ating pinag-uusapan.

Meron naman depensa ang iba na nasa bibliya raw ang pagiging tatlong persona ng Diyos at matatagpuan daw sa 1 Juan 5:7. Tingnan nga natin ang sitas na ito sa ibat-ibang salin ng bibliya para Makita natin kung tama nga ang kanilang sinasabi.

The Concordant Literal New Testament – 1 John 5:7 - …seeing that three there are that are testifying, the spirit, and the water and the blood, and the three are for the one thing.

A New Translation by James Moffatt – 1 John 5:7 – The witnesses are three, the Spirit, and the water and the blood, and the three of them are in accord.

The Emphatic Diaglott – 1 John 5:7 – For there are three which testify; the Spirit, and the water, and the blood; and the three are of one.

Sa itaas ang ilang salin patungkol sa ating pinag-uusapan. At heto naman sa ibaba ang ilan sa salin na makikita ditto ang ganitong Footnote – These text concerning witnesses is not contained in ANY Greek manuscript which was written earlier than the 15th century. It is not cited by ANY of the Greek ecclesiastical writers nor by ANY of the early Latin fathers..

KJV - 1 John 5:7 – For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one.

The Holy Bible – New Catholic Version – 1 John 5:7 – For there are three that bear witness (in heaven: the Father, the Word, and the Holy Spirit, and these three are one. And there are three that bear witness on earth): the Spirit, and the water, and the blood, these three are one.

Ngayong nakita natin ang mga kapahayagan sa itaas masasabi nab a nating mabubuo na ang bagong pagkilala sa Diyos. Wala pong layun ang kaisipang ito bagkus ang layon po nito ay ihayag lamang kung ano ang maaari nating mapulot na mabuti at katutuhanan dito. Hindi po nanghihikayat ito bagkus ay humihingi sa inyo na samahan ako sa pagtuklas pa para sa kaisipang ito. Alam kop o na ang bibliya ay sagana sa kapahayagan at katutuhanang maaari nating i-ugnay sa usaping ito.

Itutuloy…..