Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sin or Life. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sin or Life. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Hulyo 21, 2009

Saan Ka Patungo Tao?

Kung ang pagbabasehan natin ay ang pasimula kung bakit nilalang ng Diyos ang tao makikita natin ang talagang layunin Niya. Makikita rin natin kung ano ang Kanyang nilikha na hinugis na kawangis Niya. Mababasa natin sa banal na kasulatan na sa pasimula nilakha Niya ang tao sa dalawang kasarian lamang ang lalake at babae, na ang bawat kasarian ay mayroon sariling layunin sa buhay. Noon pa mang una ay may mga babala na ang dalawang kasarian na hindi katanggap tanggap ang magsama o makipag-ugnayang sensuwal ang parehong kasarian.

Hindi naman madaling malimutan ang isang tagpo sa kasulatan na nagalit ang Diyos sa mga tao sa kanilang mga ginagawa partikular ang pakikisiping sa kapwa lalake o kaya ay kapwa babae, yan ay nangyari sa Sodom at Gomora. Yan ang isang dahilan kung kaya ginawa ng Diyos ang ayaw Niyang gawin sa Kanyang mga nilikha sapagkat mahal Niya tayo. Subalit nagging matigas ang ulo nila at sinunod ang pita ng laman.


Ganon din ang babala ni Apostol Pablo sa mga taga Roma at sa ating lahat na mababasa sa
Roma 1:26-27 - Sa dahilang ito, hinayaan sila ng Diyos sa pagnanasang walang dangal sapagkat maging ang kababaihan nila ay nagbago ng likas nilang gamit patungo sa taliwas sa kalikasan. Gayundin ang mga lalaki sa pag-iwan nila sa likas na gamit ng mga babae. Sila ay nag-aalab sa pita sa isa't isa. Ang mga lalaki kasama ang lalaki ay gumagawa ng kahihiyan at tinanggap nila ang kaparusahang karapat-dapat sa mga liko nilang gawa.


Kaya naman sang-ayon ako sa nabasa ko sa isang pahayagan ang hayagang pagtutol ng mga taga simbahan. Ganito ang sabi nila “Iginiit kahapon ng isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi pa rin katanggap-tanggap para sa Simba­hang Katoliko ang “same sex marriage” kahit pa legal na ito sa ibang mga bansa tulad sa ilang es­tado sa Amerika.


Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Ca­non Law chairman at Tag­bilaran Bishop Leo­nardo Medroso, kung ila­lagay sa usaping moral, ang pag­papakasal ng magkapa­rehong kasarian ay maiiba ang tunay na ka­hulugan ng kasal na itinakda para lamang sa lalaki at babae. Ipinaliwanag pa ng Obispo na malinaw na ang same sex marriage o kasal ng lalaki sa lalaki o kasal ng babae sa babae ay isang pagsuway sa natural law o universal law na kailangang sundin aniya ng lahat. Kung anya hindi susu­nod ang tao sa natural law sa pamamagitan ng hindi pagrespeto o pag­ga­lang dito, tiyak na masi­sira ang kultura at posib­leng ma­kaapekto sa mora­lidad ng tao."


Nawa kayo diyan na nakaka-isip ng mga ganitong hakbang babala ko lang na isiping mabuti at piliin ang nararapat at kalugod lugod sa Diyos. Tandaan na pinaghahandaan natin yung kaligtasan ng ating kaluluwa sa darating na panahon hindi yung tawag lang ng laman.

Linggo, Hunyo 15, 2008

Whose Elders and Deacons?

Matapos nating malaman batay sa Banal na Kasulatan kung ano ang mga tunay na kwalipikasyon ng pagpili, pagtatalaga at mga kinakailangan upang maging isang pastor o taga-pangasiwa sa mga tupa ng Diyos. Narito naman ang isa pang bahagi ng iglesya na nagiging pangkaraniwan na lang, bakit ko nasabi ito, sapagkat naroon din yung ibang paglabag kung paano, sinu-sino ang mga karapat dapat na maging mga tagapaglingkod sa iglesya ng Diyos. Sinu sino ba ang tinutukoy ko dito? Walang iba kundi ang mga tinatawag na elders (matatanda sa iglesya) at mga deacons (katulong ng mga elders). Walang pasubali ito na nasa kasulatan ang mga bagay na ito, pero ang tanong – nasusunod ba ang kwalipikasyong sinasabi sa kasulatan patungkol sa pagpili at pagtatalaga ng mga gawaing ito sa iglesya? Ayon sa kasulatan ganito dapat ang mga itatalaga sa iglesya:

1 Timoteo 3:8-13

8- Kailangan namang ang mga magiging tagapaglingkod sa iglesya ay marangal, tapat mangusap, hindi sugapa sa alak at hindi sakim.
9- Kailangang sila’y tapat sa pananampalataya na ating ipinahayag at walang dapat ikahiya.
10- Kailangang subukin muna sila at makitang marapat bago gawing tagapaglingkod.
11- Kailangang ang kanilang mga asawa ay matitino, hindi mapanirang-puri kundi mabait, at tapat sa lahat ng bagay.
12- Kailangan ding isa lang ang asawa ng isang tagapaglingkod sa iglesya, maayos siyang mamahala sa sariling sambahayan at mabuting magpasunod sa kanyang mga anak.
13- Ang tagapaglingkod na tapat sa tungkulin ay igagalang ng lahat, at buong tapang nilang maipapahayag ang pananampalatayang napasaatin dahil sa ating pakikipagkaisa kay Cristo Jesus.

Tulad ng ginawa natin doon sa kaisipan tungkol sa kwalipikasyon ng tagapangasiwa, balangkasin din natin isa-isa ang mga talatang nabanggit sa itaas bago tayo magbigay ng mga kuro kuro at pala-palagay at nakikita natin patungkol dito. Sa talatang 8 nabanggit na kailangang marangal ang pipiliin – ano ang ibig sabihin nito? Sa pangkalahatang kaunawaan ang pagiging marangal ay tumutukoy sa kung ano ka sa paningin ng mga taong nakapaligid sa iyo, kahalintulad ng walang kapintasan, mabuti ang ginagawa hindi lang sa loob ng iglesya kundi higit sa labas ng iglesya at kung may asawa siempre iisa ang asawa. Makikita rin sa pangungusap kung ito ba ay nagiging tapat o nagkukunwari, nagsisinungaling at gumagawa lang ng estorya. At siempre hindi sakim sa anumang bagay. Sa talatang 9 ito’y pangunahing kwalipikasyon sapagkat kailangan ito na tayuan ng sinumang kumikilala sa Diyos.

Kung mapapansin ninyo sa talatang 10 nasabi na kailangang subukin upang makitang karapat-dapat ang tagapaglingkod bago sila italaga o piliin. Ang tanong. Paano, sino at ano ang magbibigay ng pagsubok sa kanila, ang pastor ba, ang mismong iglesya o ang Diyos. Sa talatang 11 sinabi na kailangan daw ang mga asawa ng bawat itatalagang tagapaglingkod ay matitino – ibig sabihin unang una na ay isa ring mananampalataya ni Hesus, matapat sa asawa, kaagabay ng asawa sa pagpapalaki ng mga anak nila. Sa talatang 12 ay hindi nalalayo sa kailangan ng pagiging tagapangasiwa ng iglesya na kailangang isa ang asawa, mahusay magpalakad ng pamilya at sinusunod ng mga anak bilang ama ng tahanan. At ang talata 13 sinasabi na kailangan tapat sa tungkulin upang igalang ng lahat ng nakapaligid sa kanila, isang halibawa sa paggawa ng kabutihan at sa kaayusan ng iglesya, hindi masisitsit, kagalang-galang.

Ngayon matapos nating balangkasin isa-isa ang mga talata nakakita ba kayo ng mga paglabag sa ngayong patakaran sa pagpili at pagtatalaga ng mga tagapaglingkod sa iglesya ng Diyos. Ako meron. Sa aking mga nakikita sa ngayon sa pagtatalaga ng mga tagapaglingkod sa iglesya ay bumabagsak ulit doon sa ating nabanggit na “pwede na siya” kasi matagal na at panahon na upang bigyan ng pagkakataon ang kapatid. Yan ang napansin ko, pero sino ang nagsalita nito – ang pastor. Tinanong mo ba kung bakit naman yun ang napili niya – kasi raw siya yung napipisil niya. Oppsss, may napansin ba kayo parang isang tao lang ang nagpasya. Kapag tinanong mo ang nagpasya ang sagot eh, kilala ko ang aking mga tupa. Karaniwang sagot na makikita natin na balido naman pero sa katunayan kilala nga ba niya ang tupa niya, oh nakikilala lang niya kasi nakakasama lamang kung araw ng lingo sa iglesya.

Nabanggit natin sa itaas na paano, sino at ano ang pagsukat sa pagpili ng tagapaglingkod sa iglesya. Yung sino nasagot na natin yun. Kung paano ang pagpili nasabi natin na “napipisil” ibig sabihin pansariling gusto, kinakitaan ng mabilis na paglago – katibayan naba yun, matagal na sa gawain. Sila lang ang nakikitaan ng potensyal na kaalaman at pagkilos. Yan yung mga bagay na karaniwang makikita mo sa pagpili sa ngayon ng mga tagapaglingkod sa iglesya. Ano ang napansin mo meron bang nawawala dito? Ang nawawala dito ay ang pinaka-pangunahing hakbang, ano yun? Walang iba kundi ang ipanalangin muna ang mga taong nakalinya upang maging tagapaglingkod ng iglesya. May sumagot, ipinanalangin ko na naman yan eh? Sino ang nagsabi nito ang pastor lamang (sariling gusto ulit). Kung titingnan natin sa kasulan bago sila pumili ipinapanalangin pa at may pag-aayuno pa ng mga kapatid upang ilapit ang mga karapat dapat – hindi yung pastor lamang, hindi yung kilala ko ang aking tupa, sapagkat ang Diyos at si Hesus lang ang nakakakilala sa mga tupa.

Bakit lumalabas na minsan palpak ang pagpili ng mga tagapaglingkod ng iglesysa? Sapagkat silay nakabatay sa mga nabanggit natin sa itaas, hindi yung kung ano yung sinasabi sa kasulatan. Iyan ay nakita ko at naranasan. Meron pa ngang mabilisang pagpili kasi sabi kailangang punan ang mga bakante at minsan naman para lang magkaroon ng karagdagang aktibidadis kapag kaarawan ng pagkakatatag ng iglesya – ito ba ay nangyayari sa iba o sa isang particular na iglesya lang kasi mula’t mula may nilalabag ng sitas sa kasulatan patungkol sa pagpili ng mga tagapangasiwa at tagapaglingkod sa iglesya

Sa karangdagang kaalaman at kapaliwanagan tungkol sa salita ng Diyos maaaring sundan ang link na ito
http://explanation-ko.blogspot.com.

God bless you..

Huwebes, Hunyo 12, 2008

Real Pastor!

Bakit ito ang napili kong kaisipan na ating pag-uusapan ngayon? Marami naman diyan na patungkol sa kasulatan, Gaano ba kahalaga ang isang pastor o taga-pangasiwa ng mga tupa? Ito ba’y maihahambing sa isang ama na nangangalaga ng kanyang mga anak o siya’y naroon upang masabi lamang na merong nangangasiwa sa mga tupa. Paano masasabi ng isang pastor na kilala niya ang kanyang mga tupa? Paano naman ipakikita ng mga tupa na meron silang pagpapasakop sa ngangasiwa sa kanila. Ilan lang ito sa mga katanungan na isa-isahin nating sagutin na naka-ugnay sa banal na kasulatan. Subalit bago natin gawin ang mga kasagutan, hayaan ninyong ilahad ko ang mga kwalipikasyon ng isang tagapangasiwa sa mga tupa.

Ayon sa sulat ni Apostol Pablo kay Timoteo ang tagapangasiwa ay dapat ganito:

1 Timoteo 3:1-7
1- Totoo ang kasabihang ito: Ang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain.
2- Kaya, kailangang wala siyang kapintasan, isa lamang ang asawa, marunong magpigil sa sarili, maingat, kagalang-galang, bukas ang tahanan, at mabuting tagapagturo.
3- Kailangan ding siya’y hindi mahilig sa alak, hindi mapusok kundi mahinahon at maibigin sa kapayapaan, hindi gahaman sa salapi.
4- Kailangang siya’y mahusay mamahala sa sariling sambahayan, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak.
5- Paano makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos ang isang tao kung ang sambahayan lang niya’y hindi kayang pamahalaan?
6- Kailangang siya’y matagal nang nananampalataya, kung hindi naman, baka siya’y maging palalo at tuloy mahatulan gaya ng diyablo.
7- Kailangan ding siya’y iginagalang ng mga taong hindi kaanib sa iglesya at nang di siya mapulaan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo.

Matapos ninyong mabasa ang mga kwalipikasyon ng isang tagapangasiwa sa mga tupa, may nakikita ba kayong mga bagay na maaaring nilalabag sa mga sitas sa itaas sa kasalukuyang mga taga-pangasiwa daw ng iglesya ng Diyos. Balangkasin muna natin ang mga talata sa itaas bago natin balikan ang mga katanungan. Sa talata 1 sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo ang isang kasabihan na ang nagnanais na maging tagapangasiwa (pastor) ay kailangang, naghahangad ng mabuting gawain para sa mga tupa at sa Diyos. Ganon ba ang nakikita at napapanood natin sa ngayon o merong mga tagapangisiwa na may pansaliriling intension. Marami ang gumagawa nito na sa una lang sila kakikitaan ng mga ganitong pag-uugali subalit pagtagal tagal lumalabas ang intension nila. Ang talata 2 ang isa sa mabigat na kwalipikasyon ng tagapangasiwa ay kailangang walang kapitansan – ano ang ibig sabihin nito? Kung sa pangkalahatang ibig sabihin dapat ang tagapangasiwa ay walang masasabi, makikita, maiisip, mapipintas na anuman sa kanya, wow naman eh si Hesus lang yun. Tama kayo sapagkat Siya lamang talaga ang dapat at tunay na tagapangasiwa o tagapag-alaga ng mga tupa ng Diyos’

Talata 3 oh tabi tabi po sa mga taga-pangasiwa na gumagawa ng labag sa sitas na ito, magbago na kayo, at tanungin ninyo ang inyong sarili bakit ka ba nariyan sa kalalagayang iyan, dahil ba inilagay ka ng Diyos o kinakitaan ka lang ng kaunting kaalaman ay pwede na. Sa talatang 4 makikita natin na sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo na kailangan maganda at buo ang sambahayan ng isang taga-pangasiwa, sapagkat ito ay sinasalamin ng mga tupa. Paano yung ang kasambahay ng taga-pangasiwa ay hindi taga-sunod ni Hesus? Hindi siya dapat naroon sa kanyang kalalagayan. Kung meron man ganitong nangyayari sa isang iglesya dapat maisip ng taga-pangasiwa na nilalabag niya ang sitas na ito. Kailangan daw sa isang taga-pangasiwa ay matagal na sa pananampalataya, ayon sa talata 6, bakit naman ganon eh kung pwede na yung isang kapatid kasi kinakitaan na ng kwalipikasyon bilang taga-pangasiwa ng iglesya. O ginagawa lang ito kasi kailangan ng palitan ang kasalukuyang nangangasiwa sa iglesya. Kung pagbabatayan natin ang sitas na ito hindi maaari sa pagpili ng taga-pangasiwa yung salitang “pwede na”, sapagkat hindi ito isang laro.

At sa talatang 7, sinasabi na kailangang iginagalang hindi lang sa loob ng iglesya kunti mas lalong higit sa labas sa mga hindi kasama niya sa iglesya. Anong ibig sabihin nito? Sinasabi na kailangan ang taga-pangasiwa ay kakikitaan ng tunay na pagsunod sa sinasabi sa kasulatan, sino ang dapat makakita yung mga taong nakapaligid sa kanya doon sa labas hindi sa loob. Kung kakikitaan ka ng magandang asal, pananalita, pakikisama, turo, halimbawa sa loob ng iglesya dapat ay mas higit na nakikita ito sa labas. Iyan ang mga kahulugan ng mga sitas na dapat taglay ng isang magiging taga-pangasiwa ng mga tupa ng Diyos.

Ngayon sagutin naman natin yung mga katanungan sa simula ng kaisipang ito. Bakit ko ba ito napiling pag-usapan? Sapagkat makikita na natin sa maraming mga iglesya na ang mga taga-pangasiwa ay hindi kakikitaan ng mga ganitong katangian. Ibig sabihin sa simula pa ng italaga sila ay may kamalian na, sapagkat kung ang Diyos ang talagang nagtalaga sa kanila doon, hindi magaganap ang ganon. Gaano nga ba kahalaga ang isang taga-pangasiwa sa isang iglesya? Hindi ba tatakbo ang isang iglesya ng Diyos kung walang pastor? Sa ganyang katunungan tanging si Hesus lamang ang makakasagot para sa Kanyang mga tupa. Para magkaroon ng kaayusan, yan ang ibang sabi kaya daw kailangan ang pastor. Kung nananalig ka sa Diyos alam mo na Siya ang Diyos ng kaayusan, at yan ay batid ng bawat isa – ibig sabihin meron ang bawat isa ay may kaalaman patungkol sa kaayusan ng anumang bagay. Sa isang samahan kailangan ang pinuno – yan ang depensa ng iba, pero heto naman uulitin ko “ang bawat isa ay may kaalaman patungkol sa kaayusan ng anumang bagay” yan ay bigay ng Diyos.

Kariringgan mo ang ilang tagapangasiwa na nagsasabi na kilala nila ang kanilang mga tupa. Dapat nga naman na kilala nila ang kanilang mga tupa, tulad ng sinabi ni Hesus na kilala Niya ang Kanyang mga tupa. Kayo tatanungin ko, paano mo makikilala ang isang tao? Dib a dapat makasama mo siya, maging palagay ang loob ng bawat isa, may respeto sa isa’t isa at marami pang iba. Ganon din ba sa mga tupa mong inaalagaan? Dib a kung ikaw ay taga-pangasiwa marunong kang himasin, alalayan at pagpayuhan ang iyong mga tupa, pero kung ang katwiran ay ganito, malalaki, matatanda at alam na nila ang salita ng Diyos, pag-aalaga ba yun? Si Apostol Pablo, ay masasabi kong isang tunay at maaaring gayahing taga-pangasiwa sapagkat noong panahong ina-akay palang niya si Timoteo, hindi niya ito iniwan, isinasama, inalalayan, pinayuhan at marami pang iba, kaya nga sinulat niya yung mga talata sa itaas kay Timoteo sapagkat nakita niya yun, naranasan at ipinakita niya. Paano at sino ba ang kailangang pumili, magtalaga ng kapalit na taga-pangasiwa sa iglesya ng Diyos? Kailangan ba itong daanin sa butuhan, napipisil, kinakitaan ng kaunting kwalipikasyon, sakop ng salitang “pwede na”, o paano ba ito dapat isagawa? Ito ang ilang mga katanungan na kung titingnan mo sa totoong kaganapan ay makikita mo, na basta na lang magtalaga, pumili. Naalala ko nga sa lumang tipan ng piliin kung sino ang sunod na magiging hari ng Israel, idinaan nila sa katatayuan, hitsura ng tao. Subalit ang Diyos ay sa puso laging naka-tingin, yan ang ating tatandaan…

Sa marami pang kapahayagan puntahan lang po ang
http://explanation-ko.blogspot.com . God bless you… ang bawat isa na kaalaman patungkol sa kaayusan ng anumang bagay

Miyerkules, Mayo 21, 2008

Meeting Together!!

Ano ang makakapagligtas sa tao sa tiyak na kapahamakan? Ito siguro ang tanong na karaniwang hindi natin pinagtutuunan ng pansin. Sapagkat alam natin kung sino ang ating tagapagligtas, yun ay walang iba kundi ang ating Panginoong Hesus na isinugo ng Diyos Ama. Kapag ganito ang ating naririnig na katanungan, meron tayong nakahandang kasagutan. Kahit sino siguro na nakakabatid kung sino ang ating tagapaglitas ay batid din niya kung ano ang makakapagligtas sa tao, ano yun? Diba ang ating pananampalataya o sa wikang English ay “faith”. Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang “faith” o pananampalataya, pananalig? Ayon sa Hebreo 11:1 – tayo’y may pananalig kung nagtitiwala tayong mangyayari ang mga inaasahan natin, at naniniwala sa mga bagay na di natin nakikita. Yan ang pananampalataya, naniniwala sa mga bagay na di nakikita at magtitiwala sa mga bagay na inaasahang mangyari. Ito yung sinasabing makakapagligtas sa tao sa tiyak na kapahamakan.

Ito bang sinasabing pananampalataya ay mararanasan ng sinuman, basta ang kailangan lamang ay pananalig at paniniwala, sa lahat ng panahon, lugar at sitwasyon? Bakit ko natanong ito sapagkat kung pananampalataya lamang ang kailangan para maligtas bakit kailangan ko pang pumunta sa isang lugar para magsama-sama, mag-aralan, makinig. Oo nasabi rin sa kasulatan na ang pakikinig ng salita ng Diyos ay magbubunga ng pananampalataya, Roma 10:17 Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Kristo. Sa itaas nasabi natin na kailangan lamang natin para maligtas ay ang pananampalataya, pero ngayon sinasabi na magkakaroon ka ng pananampalataya sa pakikinig sa mga nangangaral ng salita ni Kristo. Kung ganon ano ang kinalaman nito sa bago nating kaisipan na “meeting together” o magsama-sama.

Sa Hebreo 10:24-25 At sikapin nating mapukaw ang damdamin ng bawat isa sa pag-ibig sa kapwa, at sa paggawa ng mabuti. At huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng ginagawa ng ilan, kundi palakasin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon. Hayan nakita natin na hindi lang pala pananampalataya ang kailangan para maligtas, kailangan din natin ang bawat isa para magpalakasan, magtulungan, at matuto ng paggawa ng mabuti. Ibig bang sabihin hindi ka maliligtas kung ikaw lamang kasama ang iyong pananampalataya. Bakit kailangan pa natin ang ibang tao? Ang Diyos ba ay tumitingin sa mga ginagawa mong mabuti sa ibang tao o Siya’y tumitingin sa puso ng bawat isa sa atin at doon makikita ng Diyos ang ating pananampalataya. Sinasabi na wag kaligtaan ang “pagdalo” sa mga pagtitipon gaya ng ginagawa ng ilan. Ano ba ang sinasabing “pagdalo” ito yung sinasabing pagsamba, pag-aaral, seminar, sama-samang pananalangin?

Subalit minsan pa nga ang mga pagdalo sa mga ganitong patitipon ang nagiging sanhi ng pagbagsak ng isang tao at paglalaho ng kanyang pananampalataya. Kung ganito ang nangyari sa isang tao, sino ang maaari nating sisihin na naging dahilan ang pagtitipon ba, ang mga dumadalo o ang mismong may katawan na bumagsak. Masasabi ba natin na ang pagdalo ay siyang susi para magkaroon ka ng pananampalataya o hindi ba pwede na manatili na lang ako sa bahay o kuwarto ko at magbasa ng salita ng Diyos. Hindi ba ako maliligtas ng ganitong pamamaraan? Sino ang Tama? Pero ganito naman ang depensa ng iba. Santiago 2:14 Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya? Parang nakapuntos ang kabila na hindi masasabing pananampalataya ang sinasabi mo na manatili na lang sa bahay at sabihing may paniniwala siya, kailangan pala ito ay mapatunayan, makita a buhay at gawa natin. Pero papaano yung mga taong di marunong makihalubilo sa mga tao, mas nais nila yung nag-iisa, kasi iniisip nila na lalo silang nagkakasala kung nasa maraming tao siya. Problema mo na yan hindi ko problema yan, kasi ang sarili mo ang kalaban mo hindi ang ibang tao.

Alam natin na marami ang magiging dulot ng “meeting together”, may dulot itong makabubuti sa tao at meron itong dulot na masama sa tao. Kung ganito ang ating pananaw dito ano na ang ating gagawin, marapat bang dumalo sa isang pagtitipon ang isang mananampalataya o manatili na lang siya sa kuwarto niya? Subalit sa tingin ko mas nakakarami ang magandang dulot ng pagdalo sa mga pagtitipon, sapagkat hindi sasabihin ng kasulatan yun kung itoy makasasama sa isang tao. Siguro sa mga taong sumasalungat sa mga ganitong pananaw ay kinakailangang tanungin niya ang kanyang sarili kung sino nga ba ang pinaniniwalaan niya. Kayo sumasang-ayon ba kayo na ipagpatuloy na lang ang padalo gaya ng ginagawa ng marami, para sa kalakasan ng isang tao. Pero tama naman kasi na pananampalataya ang makakapagligtas kasi kung mananampalataya ka na sa pagdalo mo tataas ang antas ng pananampalataya mo kahit na humarap sa malaking pagsubok, natitiyak na mapagtatagumpayan mo yun.

Para sa ibayo pang pag-aaral ng salita ng Diyos at mga pagkukunan ng mga kapaliwanagan patungkol sa kasulatan, malaya po tayong bumisita sa http://explanation-ko.blogspot.com o clik lang po ang link na ito…

God bless you….

Biyernes, Mayo 9, 2008

To you or For You !!

Tingnan nga natin sa bagong kaisipang ito kung ano ang ating mapupulot na katutuhanang sinasabi mula sa banal na kasulatan tungkol dito. Kung isasalin natin ito sa wikang tagalog ito ay “to you” – “sa iyo” at ang “for you” – para sa iyo, may pagkaka-iba ba ang dalawang salitang ito. Ang saalitang “sa iyo” na ang ibig pakahulugan ay ang pagtukoy, pag-angkin, pag-aari, pangyayari o kaganapan (masama man o maganda) sa isang tao. Ang salitang “para sa iyo” na ang ibig pakahulugan ay pagtanggap ng isang bagay, pangyayari, o kaganapan ng isang pangyayari na may kaukulang layunin. Matapos nating Makita ang kahulugan ng dalawang salita masasabi nab a natin na may pagkaka-iba ang dalawang ito. Kung pagbabatayan natin ang kahulugan nito mula sa banal na kasulatan, makikita natin na ito ay may kanya-kanyang layunin o katangian. Heto ang ilan sa mga gamit nito na karaniwang nagagamit natin sa araw araw, bago natin silipin ang mga pangyayaring kaugnay dito.

TO YOU (SA IYO)

Sa iyo ang lupang ito
Dahil sa iyo nangyari ang lahat ng ito
Sa iyo nagmula ang lahat ng kasamaan
Dahil sa iyong ginawa natanggap mo ang mga bagay na di mo inaasahan
May dahilan kaya nangyari sa iyo ang lahat ng iyan

FOR YOU (PARA SA IYO)

Para sa iyo talaga ang mga pagpapalang ito
Para sa iyo ang lahat ng pagsubok na iyan, upang matuto ka
Para sa iyo ano ang masasabi mo sa nangyayari sa iyo.

Sa buong bibliya ang Diyos ay nangusap sa lahat ng tinawag, ginamit, pinagpala, pinahirapan, sinubok Niya ayon sa Kanyang LAYUNIN at plano. Tama sa lahat ng pagkakataon ang Diyos ay laging may layunin sa lahat ng pangyayari sa buong banal na kasulatan. O hanggang sa ngayon sa panahon natin lagging ganon ang kanyang pakay sa atin ang natatanging layunin. Ito man ay sa pagbibigay ng pagpapala, pag-subok, pangyayari at kaganapan. Marami ang mariringgan natin na nagsasabi ang sinisisi nila ay ang Diyos tulad ng “bakit ito nangyari sa akin (sa iyo)” Hindi kaya mas marapat nating gamitin ay ang salitang “nangyari kaya ito sa akin dahil ito ang para sa akin (para sa iyo)” kasi may layunin ang Diyos kaya nangyari ito.


Ang medyo nakaka-gulo dito sa ating pinag-uusapan ay ang sitwasyon na minsan magagamit din natin ang salitang ito sa iisang kahulugan. Tulad ng “dahil sa iyo o akin” nagamit ako o ikaw para magbago ka, samantalang pwede rin naman na “para sa iyo o akin” talaga ang mga ito kasi may layunin Siya sa akin. Tingnan nga natin sa Bibliya sa buhay at layunin kay Hudas Escariote. Marami ang nagsasabi na “dahil sa kanya” napako si Hesus, ibig sabihin sinisisi natin siya sa lahat ng nangyari kay Hesus. Kung hindi dahil sa kanya hindi Siya mahuhuli at mapapako sa krus. Ganon nga ba ang tunay na dahilan noon, hindi kaya yun talaga ang dapat mangyari kasi yun ang layunin ng Diyos “para sa atin o para sa iyo”. Subalit hindi makita ng iba ang talagang layunin ng Diyos, nais nilang ang layuning iyon ay maganap ayon sa isip ng tao hindi ng Diyos. Subalit napaka linaw ang sabi ng Diyos sa Isaias 55:11 – Ganyan din ang Aking salita. Magaganap nito ang lahat Kong nasa. Ganyan ang Diyos, kapag sinabi Niya ang isang bagay, pangyayari o sitwasyon, ito’y mangyayari kahit anumang paraan. Hindi Siya nakukuha sa palakasan, suhulan, o anumang kalalagayan ng pangyayari.

Malimit natin magamit ang “sa iyo o akin” sapagkat natural na ata sa tao ang ganong ugali na mahilig manisi, at magturo ng iba. Hindi natin nakikita ang ibig ipakahulugan ng isang pangyayari, ng isang sitwasyon sa ating buhay. Agad tayong nagbibigay n gating saloobin, nararamdaman sa mga nangyayari sa atin. Nakakalimutan natin na may Diyos na siyang nakaka-alam, nakakakita, nagkokontrol sa buhay natin. Nakalimutan natin ang mahalagang sangkap ng buhay na ibinigay sa atin ng Diyos, yun ang natatangin layunin Niya sa ating buhay. Naaalala ko ang isang sitas sa Efeso 1: 5 Tayo’y Kanyang itinalaga noong pang una upang maging mga anak Niya sa pamamagitan ni Hesus. Iyan ang Kanyang layunin at kalooban. Natatandaan ba ninyo sa halamanan ng Eden doon matapos sabihin ng Diyos kay Adan na kinain niya ang pinagbabawal na bunga ng kahoy ay nanisi pa si Adan at itinuro ay si Eva. Diba malinaw na talagang magaganap yung kasalanang kanilang ginawa sapagkat may natatanging “layunin” ang Diyos para sa Kanyang mga nilikha. Ano yun? Ang isugo ang Kanyang bugtong na Anak na si Hesus para sa ikaliligtas ng mga nilikha.

Kaya ngayon masasabi na ba natin na huwag nating sisihin ang ating sarili, ibang tao o sinuman sa mga nangyayari, sapagkat baka ito ay nagaganap dahil ito ay “para sa iyo” upang ipakita ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan, pag-ibig at kapahayagan. Lagi Niyang sinasabi na “humayo kayo at wag ng magkasala”. Eh kung ganon pwede ba nating sisihin ang Diyos sa mga nangyayari sa atin? Hindi, sapagkat ginagawa niya yan sa iyo dahil para matuto ka, magbalik ka sa Kanya at matuwid ka ng landas.

Tandaan ninyo ang lahat ng pangyayari dito sa daigdig ay kontrolado ng Diyos ito man ay masama at mabuti dahil sa Kanyang natatanging LAYUNIN sa tao.. Isaias 45:6-7 Ginawa Ko ito upang Ako ay makilala ng buong daigdig. Na makilala nila Ako si Yahweh. Ako lamang ang Diyos at wala nang iba. Ako ang lumikha ng dilim at liwanag. Ako ang nagpapadala ng kaginhawaan at kapahamakan. Akong si Yahweh ang gumagawa ng lahat ng ito.

Lunes, Mayo 5, 2008

Prayer !!!

Maraming ibig ipakahulugan ng salitang “prayer” o sa wikang tagalog ay “panalangin”, pag-usal, pagsasabi, pakikipag-usap. Sa lahat ata ng uri ng relihiyon ay may kanya kanyang turo kung ano ang tamang panalangin ayon sa kanilang paniniwala. Ano nga ba ang kahulugan nito? Ang panalangin ay isang pakikipag-usap o pakikipag-niig ng tao sa bagay, Diyos, o diyus-diyusan ayon sa kanilang mga paniniwala. Pangkaraniwan ng inu-usal ang panalangin ng tao para sa di nakikita o nahahawakan at doon sa nakikita at nahahawakan. May ibat ibang paraan kung paano manalangin ang ibat-ibang mga samahan, simbahan, pananampalataya at mga tao. Tulad ng mga muslim, sila’y nananalangin na tinatawag na “salah” kung saan mula pagkakatayo, silay luluhod, tapos isusubasob ang mukha sa lupa. Ganito noon nanalangin si Josue kay Yahweh na halos magdikit na ang kaniyang mukha sa kaniyang hita at tuhod. Ang mga Romano Katoliko naman ay nakaluhod sa harap ng altar, rebulto, o larawan at minsan sa harap mismo ng mga pari meron pa silang lumalakad paluhod pamunta sa altar habang inu-usal ang panalangin. May mga katutubo na ang kanilang pagdalangin ay may kasamang sayaw at may saliw na tugtug. Meron naman dumadalangin ng nakatingala sa langit at nakataas ang mga kamay. Meron namang nakaluhod lang, nakatayo, nakapikit, umaawit, nasa bintana at marami pa ayon sa kani-kanilang paniniwala at nakagisnan pamamaraan.

Subalit heto ang tanong. Ano nga ba ang tamang anyo ng pananalangin? Nakaluhod, nakatayo, nakahiga, naka-upo, nakataas ang kamay, nakatingala. Ang lahat ng ito ay masasabi ba nating tinatanggap ng Diyos na tamang pamamaraan ng panalangin. Ano ba ang turo ng ating Panginoong Hesus patungkol sa pananalangin, meron ba Siyang itinuro? O meron ba Siyang ipinakikitang halimbawa na dapat nating gayahin mula sa Kanya? Meron kung natatandaan ninyo Mateo 26:43-45 - Pagbalik niya, nasumpungan niya silang muling natutulog sapagkat lubha na silang inantok. Iniwan niya silang muli at nanalangin sa ikatlong pagkakataon. Sinabi niyang muli ang gayong panalangin. Pagkatapos ay pumunta siya sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila: Matulog na kayo at magpahinga. Narito, malapit na ang oras at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo na sa mga makasalanan. Nakita natin dito na nanalangin si Hesus na malayo sa mga alagad, bakit kaya? Upang ipakita sa kanila ang tamang paglapit sa Diyos Ama. Ano kaya ang ginawa ni Hesus, siya'y lumuhod sa harapan ng Ama, tumingala at taimtim na nakipag-usap sa Diyos. Nakapikit kaya si Hesus noong nananalangin Siya? Walang binanggit o nasabi sa bibliya kung nakapikit Siya. Bakit laging kung manalangin si Hesus ay sa isang dako o tahimik na lugar? Sapagkat nais Niyang ipakita sa kanila ang isang magandang halimbawa na dapat gayahin. At sinabi Niya kung mananalangin ka pumasok ka sa iyong silid, ipinid at doon ka manalangin sa Ama di mo nakikita.

Ano ba ang tamang mga salita sa ating mga panalangin? Ang ating Panginoong Hesus ang nagsabi nito Mateo 6:7 - Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong gamitin ang mga walang kabuluhang paulit-ulit na mga panalangin gaya ng ginagawa ng mga Gentil. Ito ay sapagkat nananalangin sila nang paulit-ulit dahil sa kanilang palagay ay diringgin sila sa dami ng kanilang salita. Bakit nasabi ni Hesus ang ganito? Sapagkat yun ang ginagawa ng nakararami noon lalo na ang mga Gentil. Hindi nila nalalaman na bago pa lang ibuka ang kanilang bibig ay alam na ng Diyos ang kanilang pangangailangan. Alam nyo bang hanggang sa ngayon na may mga Gentil pa rin ayon sa pagsasagawa ng panalangin, nariyan yung napaka hahabang panalangin na kung susuriin mo paulit ulit na, meron namang ginagawang ritual na ang pananalangin. Paano nga ba ang tamang sasabihin sa panalangin. Meron akong nabasa dapat daw ang panalangin ay may sangkap na A.C.T.S.. Ito yung A- Adoration, C- Confession, T- Thanksgiving and S- Supplication. Subalit minsan nagiging ritwal na kapag ganito, sapagkat kung wala kang iisiping mga sangkap pa masasabi mo kung ano yung nasa puso mo. Kaya ako di naniniwala sa ganon, kasi kung ang puso mo ay naka-ayon sa Diyos at doon sa ipananalangin mo di na kailangan ang anumang mga panuntunan pa, ibig sabihin ang Diyos ay tumitingin sa PUSO at MOTIBO ng tao hindi doon sa ganda, haba o katatayuan ng panalangin mo.
Tulad ng nasabi natin sa itaas may kanya kanyang pamamaraan, kalalagayan bawat pananampalataya kung paano ipararating ang dalangin ng isang tao sa kanilang pinaniniwalaan. Hindi naman ako nagsasabi na di naniniwala sa panalangin, marami rin naman akong panalangin na tinugon ng Diyos at di ko sinasabi na ako'y hindi nananalangin. Natatandaan ko lang na may nagsabi, Ano ang magagawa ng panalangin sa buhay ng tao? Ang panalangin ba ay kailangan sa buhay ng tao? Bakit nananalangin ang tao? Sa mga tanong na ito masasabi ba natin na ang panalangin ay isa ng sangkap ng tao tungo sa kaugnayan sa Diyos? Sinasabi sa bibliya na di mo man sabihin batid na ng Diyos ang lahat ng ating mga pangangailangan. Kayo naging sangkap na ba ng buhay ninyo ang panalangin? Kayo ang makakasagot niyan...

Huwebes, Mayo 1, 2008

Are The Dead, Really Dead?

Minsan kapag ang usapan ay nadadako patungkol sa mga patay, namatay, mamamatay marami ang magkaka-iba ng mga paniniwala at pananaw. Kasi naman marami ang nagtatanong ng “dead people are really DEAD?” o “Ang tao bang namatay o patay ay talagang patay?” Pero ano ang katutuhanan? Ito ang nalalaman ko, ang isang taong patay ay hindi na makakapunta kahit saan. Ito ay hindi makakapunta sa langit, o magagawang lumutang sa himpapawid o mga alapaap o ang masamang taong namatay ay hindi rin makakapunta man sa tinatawag na “hell” o dagat-dagatang apoy. Sapagkat ang patay ay patay na at manatiling patay hanggang sa “itakda sa kanya ang pagkabuhay na muli” at ito ay magaganap sa hinaharap na panahon, hindi sa araw o panahon ng kamatayan ng isang tao. Heto ang isang patunay mula sa bibliya tungkol sa isang patay sa Joshua 1:1-2 Now after the death of Moses the servant of the Lord, it came to pass, that the Lord spoke unto Joshua the son of Nun, Moses’ minister, saying, Moses my servant is DEAD….” Tanong sino ang nagsasalita? Diba si Yahweh ang nagsasalita sinasabi Niya kay Josue na patay na si Moses.

Pansinin ninyo hindi naman sinabi ng Diyos na “patay na ang katawan” ni Moses subalit ito ang tanong – S
i Moses kaya ay buhay sa piling ng Diyos? Ang sagot ay HINDI. Sapagkat kapag ang isang tao ay mamatay siya ay patay at mananatiling patay hanggang sa pagdating ng “pagkabuhay na muli ng mga patay” masama man o mabuti ang tao. Ang tao ay posibleng buhay ang katawan ngunit sa espiritu ay patay siya ngunit kapag ang katawan ay namatay hindi pwedeng maging buhay siya sa espiritu. Bakit? Sapagkat sinasabi sa Mangangaral 12:7Alalahanin mo Siya bago manumbalik sa lupa an gating katawang lupa at ating espiritu ay magbalik sa Diyos na may bigay nito. Pero bakit meron sinasabing nagmumulto, multo, o momo daw. Ang masasabi ko rito, minsan ito ay haka-haka na lamang, gawa gawa na lang ng kanyang imahinasyon, o pwede rin siguro masamang espiritu. Kung titingnan natin sa bibliya ang buong kabanata ng 1 Corinto 15 ay patungkol sa “pagkabuhay na muli ng mga patay”

Ang medyo nakakalungkot nito kahit mga mananampalataya na ni Hesus at nakakabasa na sa bibliya ng tungkol sa mga patay, patuloy pa rin ang paniniwala nila sa mga ganitong kinaugalian. At talagang hayagan pa nila itong isinasagawa halimbawa na kapag namatay ang isang tao, ang espiritu nito ay mananatiling kasama ng mga minamahal niya sa buhay ng hanggang 40 araw, sinasabi pa na minsan magpapakita ito sa mga taong merong pang hindi nasabihan o nabilinan, minsan naman daw tinatakot yung iba kasi raw may nagawang kasalanan sa namatay. Totoo ba ito? O ang tanong – Totoo bang nagbabalik pa ang isang patay? Totoo bang nakaka-usap pa ang isang patay? Totoo bang makakapaghiganti pa ang isang taong namatay na sa pamamagitan ng kanyang pagbabalik upang maghiganti? Napaka-raming katanungan diba, pero ano ba ang itinuturo ng banal na kasulatan patungkol diyan. Hebreo 9:27 itinakda sa mga tao ang minsan lang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.

Heto meron akong isang kwento tungkol sa isang namatay daw ngunit magbabalik at makaka-usap ng isang buhay, parang yung pelikulang “Ghost” naaalala ninyo. Yung pinsan ko ang pangalan niya ay Mariano (Tyo Ano) kung tawagin namin sa lugar namin. Siya’y isang magbubukid, siempre nasa bukid siya kasama ang isa niyang anak na si Bido (Pogi) kung tawagin namin. Alas kwatro ng hapon inabutan sila ng ulan sa gitna ng bukid, siempre hahanap sila ng makakanlungan, sa isang puno ng bangkal sa di kalayuan at ang ulan ay may kasamang malalakas na kulog at matatalim na kidlat. Sa di inaasahan mula sa kanilang kanlungan tumama ang isang matalim na kidlat at sapol si Tyo Ano patay agad kasi napuruhan siya nangitim ang katawan dahil sa tama ng kidlat. Si Bido medyo nadaplisan lamang kaya buhay siya. Sumunod doon binurol tapos inilibing pag-kalipas ng 3-4 na buwan dahil daw sa kalungkutan sa pagkamatay ni Tyo Ano, nagkasakit ang kanyang asawa si Tiya Funtina hanggang siya ay mamatay rin at inilibing.

Makalipas ang ilang lingo ng pagkalibing napansin na nagkaroon ng di magandang nararamdaman ang isa sa mga anak na babae si Ate Presia ng mag-asawa, para siyang nanlilisik lagi ang mata, nagsasalita ng kahit ano. Baryo kaya tawag ng albularyo, ginamot at sabi sinasapian daw siya ng tatay niya, paano daw nalaman na sumasapi ang tatay doon sa babae, kasi raw ang boses ay boses lalaki (boses daw ng Tyo Ano). Marami ang naniwala, kasi marami ang nakarinig ng ganoong sinaryo kapag sinusumpong. At heto pa si Bido ay ganon din ang nangyari, sabi sinapian naman ng Tya Funtina kasi babae naman ang boses. Kaya nagulo ang buong baryo naging balita kahit saan lugar sa baryo ang pangyayari na ang magkapatid ay sinasapian ng mga espiritu ng mga namatay na. May dumating na mga katoliko, nilagyan ng rosaryo sa leeg, isang malaking krus sa dibdib subalit tinatawanan lang ng dalawa. At minsan nag-uusap ang boses ng dalawa at sinasabi ang mga hinanakit nila sa kanyang mga kapatid (boses ng mag-asawa), mga kapitbahay, kaya nagkaroon ng haka-haka sila, na kaya daw nagbalik ay sa dahilang hindi raw sila nakapag-usap bago namatay si Tyo Ano.

Siguro kayo ay meron ding mga karanasan tulad nito, noong una naniniwala ako kasi nakasaksi rin ako ng minsan sumpungin sila. Subalit ngayon ko lang napagtanto ang mga posibleng kasagutan sa ganong pangyayari. Pero kayo ano ang inyong masasabi tungkol sa ganitong mga kasaysayan, masasabi na marami ang nakasaksi, nakarinig. Masasabi ba natin na ito ay haka-haka, gawa gawa lamang, masamang espiritu o talagang nagbalik ang isang patay kasi may nalimutan siyang gawin, sabihin at iparating sa sinuman….. Sino ang tama?

Sabado, Abril 26, 2008

Homosexuality is a Sin?

"Cry aloud, spare not, lift up your voice like a trumpet, and show my people their transgressions, and the house of Jacob their sins" Isaiah 58:1.

Siguro masasabi na ito'y kaka-iba o kahangalan kung hayagan kong itatanong ang ganitong tanong na - Homosexuality is a sin? sa wikang tagalog ay Ang pagiging bakla/tomboy ba ay kasalanan? Hindi ba malinaw na nahayag sa banal na kasulatan ang tungkol dito. O marami ang nakabasa tungkol dito subalit masasabing nagbibingi bingihan lamang at ang katwiran ay wala namang ina-abuso o tinatapakan at meron pang nagsasabi na hindi na aplikabol ito sa ngayon sapagkat tanggap na ng tao ang ganitong kalakaran, meron naman na ang sabi, ganito na sila mula pa pagkabata nila, kaya wala silang kasalanan. Sa mga nabanggit na kapahayagan masasabi ba natin na tama nga sila na hindi nila ito kasalanan - kung hindi eh SINO ang dapat sisihin?


Ang layunin natin dito ay upang isa-isahin ang mga kapahayagang sinasahi sa kasulatan. Napansin ba ninyo sa kautusan ng Diyos na ibinigay kay Moses, ang magnakaw, pumatay, ang tumistigo ng walang katutuhanan ay mga kasalanan. Bakit kaya hindi isinama yung homosexuality is a sin? Dahil ba alam na ng Diyos na ganito ang mangyayari sa tao, tingnan mo sa medya, mga artista, sa gobyerno, sa simbahan, sa kalipunan ng mga tao sa mundo hindi na sila naniniwala na ang pagiging homosexual ay kasalanan. Hindi ko iniisip o hinahatulan sila ang gusto ko lang eh maipakita nga kung kasalanan ito o hindi sa kapahayagang galing sa nasusulat sa banal na kasulatan. Subukan nating silipin ang sitas sa kasulan Leviticos 20:13 - if a man also lie with mankind, as he lies with a woman, both of them have committed an abomination: they shall surely be put to death; their blood shall be upon them. Kung hindi ito kasalanan wala akong karapatan na magsalita, magsulat ng patungkol dito subalit kong ito ay kasalanan hindi ito magiging tama at ako'y magkakasala kung hindi ko sasabihin (Santiago 4:17). Kaya hihiramin ko ang pananalita ng ating Panginoong Hesus na "makinig ang may tainga at tumingin ang may mata", tama ba yun, mali ata.


Depensa ng iba ay ganito: ang pagiging homo ng isang tao ay hindi kasalanan sapagkat sabi nila noong ministeryo ni Hesus sa lupa hinding-hindi Niya nabanggit o naging pangaral ang tungkol sa ganito at kung kasalanan ito dapat binanggit ito sa 10 kautusan. Ano sa palagay ninyo? Sa aking palagay hindi na dapat pang maging isa sa mga 10 kautusan sapagkat si Hesus ay hindi rin nabanggit ang patungkol sa "drug addict, pornography, smoking, spousal abuse, torture, subalit alam nating ito'y kasalanan.


What is homosexuality? Sa totoo lang ang "homosexual" at "lesbian" ay hindi matatagpuan sa bibliya o banal na kasulatan. Ang salitang "homosexual" ay galing sa German invention upang mapalitan ang di magandang salitang "sodomite". Alam natin na ang salitang "sodomy" ay hango sa salitang naging palasak sa bibliya ang Sodom. Sa kabila ng hindi tahasang nabanggit ang salitang homo sa bibliya, subalit sigurado akong nabanggit doon ang mga nagsasagawa ng mga ganoong kasanayan o pakikipag-ugnayang sexual sa kapwa kasarian. Ito ay masasabi nating kasing bigat na kasalanan tulad ng pag-samba sa diyos-diyosan, pakiki-apid, pagnanakaw, pagpatay at iba pa. Ang salitang homo ay parehong ini-uugnay sa lalaki at babae, ang lalakeng homo ang tawag ay "bakla", "silahis" at ang babae namang homo ay tinatawag na "tomboy", "tibo"


Pagbigyan natin ang hilig ng iba nagsasabing ang ganitong gawi at hindi kasalanan sapagkat wala na tayo sa kautusan kundi nasa biyaya na tayo ng Diyos. Subalit tingnan natin ang naisulat ni Pablo sa mga Taga-Roma 1:26-27 - Sa dahilang ito, hinayaan sila ng Diyos sa pagnanasang walang dangal sapagkat maging ang kababaihan nila ay nagbago ng likas nilang gamit patungo sa taliwas sa kalikasan. Gayundin ang mga lalaki sa pag-iwan nila sa likas na gamit ng mga babae. Sila ay nag-aalab sa pita sa isa't isa. Ang mga lalaki kasama ang lalaki ay gumagawa ng kahihiyan at tinanggap nila ang kaparusahang karapat-dapat sa mga liko nilang gawa. Ano sa tingin ninyo meron bang kaugnayan ito sa ating pinag-uusapan, o hindi kayo makapaniwala na meron palang ganitong mga sitas sa kasulatan.


May isa pa akong sitas na ipakikita sa inyo 1 Corinto 6:9-10 (1 Corinthians 6:9-10 - Do you not know that the wicked will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor male prostitutes nor homosexual offenders nor thieves nor the greedy nor drunkards nor slanderers nor swindlers will inherit the kingdom of God. Dito makikita mo na binanggit ang salitang male prostitute nor homosexual offenders, kaya malinaw pa sa tubig baso na kasalanan ang may ganitong ginagawa. Wala ng dahilan pa na mangatwiran pa ang iba nagsasabi na hindi sinasabi sa kasulatan ito. Salamat sa NIV sa kanilang bersyon hindi na kailangan pang gamitin ang Greek na salita para lang makuha ang talagang hinahanap. May tumututol pa ba? Kung meron pa next time bigyan ko pa ng ibang kapaliwanagan ng ayon sa ibang sitas sa bibliyan. God bless you... see you soon....