"Mahal ako ni Hesus, yan ang alam ko kasi sinabi ng Biblia sa akin" - Karaniwang isasagot ng isang karaniwang tao lalo na kapag Roman Catholic.
Yan ang natatadaan ko noong bata pa at nag-aaral pa. Ito rin ang laging sinasabi sa akin ng iba kasi nga raw sinabi sa Biblia. Totoo naman na sinabi ng Biblia sa aklat ni Juan 3:16 ganito yun:
"Gayun na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan ng ibigay Niya ang Kanyang bugtong na anak, na kung sinuman ang manampalataya ay hindi mapapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
Pero ang tanong bakit nga ba tayo mahal ng Diyos? Hindi ito yung basta basta rason lang na walang kabuluhan sa Diyos. Ito yung pag-ibig na hindi masusukat ng tao sa anumang paraan. Hindi lang sa sinabi sa Biblia o ang Diyos ay maraming dahilan para mahalin ang tao. Pero batid ba natin ang hangganan ng pagmamahal ng Diyos sa tao? Yan ang malaking tanong sapagkat marami ang nagsasabi na may hangganan ito kung gagawa ka ng kasalanan sa Diyos.
Di ba ang bata ay minamahal dahil sa kanyang pagiging bata, madaling alagaan, subalit pag-lipas ng mga taon nakikita natin ang malaking pagbabago ng isang bata noon pero ngayon ay isang binata o dalaga na, naroon yung umusbong na ugali sa kanila, baka naging maingay, malikot o makulit pero naroon pa rin yung ating pagmamahal sa kanila. Ganon din ang Diyos na ayon sa Biblia na walang nakarating sa kaluwalhatian ng Diyos, lahat ay sumalungat at nagkasala - pero naroon pa rin yung Kanyang pagmamahal sa atin kasi nga nilikha Niya tayo.
Pero ang tanong - mahal pa rin ba ng Diyos ang mga taong patuloy na sumasalungat o nagkakasala sa Kanya? Marami ang naniniwala na mahal tayo ng Diyos pero may hangganan daw ang pag mamahal na yaon (tulad ng nasabi ko sa itaas) - ibig sabihin kapag nagkasala ka halimbawa maraming beses mong nagagawa may tiyak kang kalalagyan - yun ang dagat dagatang apoy. Meron namang nagsasabing dahil sa pagmamahal ng Diyos kaya Niyang patawarin anuman ang iyong naging kasalanan - ibig sabihin kahit na gaano kalaki o karami ang iyong kasalanan kaya kang patawarin ng Diyos kasi mahal ka Niya.
Kung ganon ang Diyos na walang hangganan ang pagpapatawad sa nagkasala - sinasabi mong mahal ng Diyos ang kasalanan or kinukunsinte Niya yung gumagawa ng kasalanan. Ang sagot ko ay HINDI nangungunsinte ang Diyos bagkos binibigyan Niya ng tamang pag-husga at pag-tutuwid ang nagkasala para manumbalik sila sa Diyos. Kasi kung yung mga taong nagkakasala ng maraming beses at hindi makiki-alam ang Diyos dahil dapat may parusa na sila - ano sa tingin mo ang Diyos - mapagmahal ba o malupit? Maraming paraan kung paano ipinakikita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal - hindi ito yung sinasabi na kung nagkasala ka ngunit di ka humingi ng patawad tiyak na sa impierno ang punta mo tulad ng ibang namatay na sa kasalanan.
Maaari natin isipin na dapat nga parusahan o makamit ng mga taong nagkakasala ang mahigpit na kaparusahan - ayon ako doon pero yung sabihin mong kaparusahang walang hanggan sa dagat-dagatang apoy - nasaan ang pagmamahal mo doon. Nasabi rin sa Bible na ang lahat ng tao ay matututo ng katuwiran ng Diyos at manunumbalik ang lahat sa Diyos, hindi sa kapamaraan ng tao kundi sa pag-ibig ng Diyos sa Kanyang nilikha. Ang ibig ko bang ipakahulugan dito at mayroon pang pagkakataon yung mga nagkasala na maligtas kahit na sila ay nasa impierno na. Ang sagot ko diyan ay hindi maaaring mangyari sapagkat hanggang sa mga sandaling ito wala pang laman ang impierno na sinasabi nyo - sapagkat hindi pa bumabalik si Hesus tulad ng nasusulat sa kasulatan. Tulad din yan na ang langit ay walang pang tao na namatay na naroon na sa langit - Juan 14:1-3 sinsabi na babalikan ni Jesus ang mga nananalig sa Kanya at isasama sa langit. Nasaan ang mga namatayan na? Sila'y nasa isang lugar na di nakikita (unseen place - as bible mentioned) at natutulog.
Maraming katanungan sa isip natin na tanging Diyos lamang ang makasasagot ng tamang puntos at makakabuti sa atin...
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Your love. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Your love. Ipakita ang lahat ng mga post
Huwebes, Pebrero 13, 2014
Linggo, Enero 24, 2010
Banal na Pag-Ibig
Banal, banal, banal ang Panginoon sa makapangyarihan sa lahat sa aba ko, wasak na ako. Isaias 6:3,5 Ang Diyos ay may matang nakikita ang lahat, at may pusong nagpapatawad ng lahat. Linisin po ako’t iwan ko ang kasalanan makita karumihang sa akin tumatahan. Nang aking matupad Iyong pinagagawa sa araw-araw at sa darating pang mga araw.
Maraming tagasunod ni Cristo ang laging isinasaisip ang pag-ibig at kabutihan ng Diyos, ngunit di gaanong naiisip ang Kanyang kabanalan. Ang ilan nga ay nanginginig sa takot dito! Bakit? Ito ay sa dahilan: Pag nasulyapan ang kadakilaan at luwalhati ng Panginoon, lalo nating nakikita ang sariling kasalanan. At iyan ay isang karanasang nagpapababa sa tingin natin sa sarili!
Maliliwanagan tungkol sa katotohanang ito sa ebanghelyo ng Lucas. Pagkatapos masaksihan ni Pedro ang isang himala, nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus na nagsasabi: Lumayo kayo sa akin, Panginoon; ako’y makasalanan! Lucas 5:8
Kung masasaksihan natin ang Kanyang ningning at kabanalan, matutulad tayo kay Isaias na ating masasabi at tatanggapin ang ating pagkamakasalanan (Isaias 6:5). Ito ay mabuting sagot, ngunit kalahati po lang iyan ng inilalarawan. Ang Diyos ay di nais na wasakin tayo ng Kanyang kabanalan. Ang layon Niya ay linisin tayo sa ating kasalanan (7). Sabik Siyang maranasan natin ang Kanyang kapatawaran at tamasahin ang malapit na pakikisama sa Kanya.
Malapit na malapit ang katotohanang ito sa aking puso. Ilang taon na ang nakalipas mula sa isang nakagigimbal na sandali nang mas malinaw kong nakita ang aking pagkamakasalanan. Bagsak na bagsak ako sa espirituwal na kalagayan noon at naghahari ang takot sa akin – hanggang nakita ko ang di masayod na pag-ibig ng Diyos at ang kapangyarihan Niyang patawarin ako’t linisin (I Juan 1:9). Inihahayag ng Diyos ang Kanyang kabanalan, hindi upang wasakin tayo, kundi ilantad ang ating kasalanan. Ipanalanging linisin ka ngayon at ilayo sa dating kasalanan.
Sabado, Agosto 30, 2008
Kailan Ka Bagong Nilalang?
Madalas marinig natin ito - “madaling maging Kristiyano ngunit mahirap magpaka-Krist
iya no”, baguhin natin ito sa ibang anyo – madaling maging lingkod ni Kristo ngunit mahirap ang sumunod kay Kristo. Marami ang nagsasabi na nakakasunod naman sila kay Kristo at sa mga nakasulat sa kasulatan. Dito sa bago kong entri talakayin natin yung mga karaniwang mapapansin sa isang Kristiyano raw. At kailan ba natin masasabi ang isang tao ay bago ng nilalang sa harap ng Diyos at ng mga nakapaligid sa kanya. Sa mga sitas sa ibaba mababasa natin ang ganito:
2 Corinto 5:17-18
17 - Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago.
18 - Ang lahat ng mga bagay ay sa Diyos. Sa pamamagitan ni Jesucristo dinala niya tayo upang ipagkasundo sa kaniya. At ibinigay niya sa atin ang gawain ng paglilingkod para sa pakikipagkasundo.
Simulan natin sa sitas na 17 sinasabi “kung ang sinuman ay na kay Kristo” – ibig sabihin ang taong tinutukoy ay tumanggap o kumilala kay Kristo, pinatutungkulan para sa lahat na taos pusong tinanggap at kumilala kay Hesus – “siya ay bago nang nilalang”. Ibig sabihin may binago, may pinalitan sa taong yun. At sabi pa ang lahat ng sa taong yun ay lumipas na, ang ipinalit sa kanya ay lahat bago na. Tanong: Kailan ito naganap sa isang tao? Naganap na ba ito sa isang tao? Kung hindi pa kalian ito magaganap sa tao?
Sa sunod na sitas 18 – ipinakikita lang ni Apostol Pablo na ang lahat ng bagay ay sa Diyos, Siyang may likha nito. Ginamit ng Diyos ang Kanyang bugtong na anak upang dalahin tayo sa pakikipagkasundo sa Diyos. Tapos ginagabayan naman tayo ni Hesus upang ang ibang tao naman ang siyang madala sa pakikipagkasundo sa Diyos. Ganyan dapat ang kalakaran na gusto ng Diyos. Subalit parang taliwas ito sa mga nangyayari sa mga iglesya ng Diyos, marami ang nag-aangkin na sila’y taga-sunod ni Hesus subalit hindi ito nakikita sa kanila kilos, gawa at ugali. Ito naba yung sinasabing “bagong nilikha".
Sa ibang salin imbes na “na kay Cristo” ito ay “nakipag-isa kay Cristo”. Noong mga nakaraan kong e
ntri natalakay ko ang tungkol sa tamang pakikipagkaisa subalit ito ay sa mga kasamang mananampalataya sa iglesya. Sa kaisipan natin ngayon ang pinag-uusapan dito ay ang pakikipag-kaisa kay Cristo, ibig sabihin tinanggap mo Siyang panginoon at tagapagligtas, taos puso mo siyang susundin, paglilingkuran sa isip, salita at sa gawa. Ganon naman ang ginagawa ko ah – ewan ko, ikaw, kayo ang makasasagot niyan.
Heto lang ang masasabi ko at uulitin kong muli ang mga apostol ni Hesus noong panahon nila mahigit tatlong taon silang magkakasama, subalit masasabi na hindi pa sila masasabing mga bagong nilalang – sapagkat noong nagkaroon ng sitwasyon si Hesus bago siya ipako, sila’y nagsipangalat, ipinagkanulo, itinakwil, ikinaila. Naging bagong nilalang lang sila ng matapos mabuhay na muli si Hesus – doon sinabi ni Hesus na dito sa ibabaw ng bato itatayo ko ang aking iglesya at walang kampon ng kadiliman ang mananaig sa kanila. Sino ang tinutukoy niya ang mga alagad niya…. Ganon din ang kaisipan ni Apostol Pablo, dati siya’y taga-usig ni Hesus subalit ng siya’y baguhin ni Hesus doon nagsimula ang pagiging – bagong nilalang niya. Ibig sabihin ang Diyos pa rin ang magkakaloob ng daan, paraan at lakas para maging mabong nilalang ka sa harap Niya, wala tayong magagawa sa ganang ating sarili lakas.....
Kaya kayo diyan nasa puso ba ninyo ang pagsasabing kayong nakipag-isa kay Hesus o nasa nguso lamang, at ito ba ay isinasagawa ninyo – kung hindi dahan dahan lang tayo kasi baka tayo’y nagkakasala.
iya no”, baguhin natin ito sa ibang anyo – madaling maging lingkod ni Kristo ngunit mahirap ang sumunod kay Kristo. Marami ang nagsasabi na nakakasunod naman sila kay Kristo at sa mga nakasulat sa kasulatan. Dito sa bago kong entri talakayin natin yung mga karaniwang mapapansin sa isang Kristiyano raw. At kailan ba natin masasabi ang isang tao ay bago ng nilalang sa harap ng Diyos at ng mga nakapaligid sa kanya. Sa mga sitas sa ibaba mababasa natin ang ganito:2 Corinto 5:17-18
17 - Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago.
18 - Ang lahat ng mga bagay ay sa Diyos. Sa pamamagitan ni Jesucristo dinala niya tayo upang ipagkasundo sa kaniya. At ibinigay niya sa atin ang gawain ng paglilingkod para sa pakikipagkasundo.
Simulan natin sa sitas na 17 sinasabi “kung ang sinuman ay na kay Kristo” – ibig sabihin ang taong tinutukoy ay tumanggap o kumilala kay Kristo, pinatutungkulan para sa lahat na taos pusong tinanggap at kumilala kay Hesus – “siya ay bago nang nilalang”. Ibig sabihin may binago, may pinalitan sa taong yun. At sabi pa ang lahat ng sa taong yun ay lumipas na, ang ipinalit sa kanya ay lahat bago na. Tanong: Kailan ito naganap sa isang tao? Naganap na ba ito sa isang tao? Kung hindi pa kalian ito magaganap sa tao?
Sa sunod na sitas 18 – ipinakikita lang ni Apostol Pablo na ang lahat ng bagay ay sa Diyos, Siyang may likha nito. Ginamit ng Diyos ang Kanyang bugtong na anak upang dalahin tayo sa pakikipagkasundo sa Diyos. Tapos ginagabayan naman tayo ni Hesus upang ang ibang tao naman ang siyang madala sa pakikipagkasundo sa Diyos. Ganyan dapat ang kalakaran na gusto ng Diyos. Subalit parang taliwas ito sa mga nangyayari sa mga iglesya ng Diyos, marami ang nag-aangkin na sila’y taga-sunod ni Hesus subalit hindi ito nakikita sa kanila kilos, gawa at ugali. Ito naba yung sinasabing “bagong nilikha".
Sa ibang salin imbes na “na kay Cristo” ito ay “nakipag-isa kay Cristo”. Noong mga nakaraan kong e
ntri natalakay ko ang tungkol sa tamang pakikipagkaisa subalit ito ay sa mga kasamang mananampalataya sa iglesya. Sa kaisipan natin ngayon ang pinag-uusapan dito ay ang pakikipag-kaisa kay Cristo, ibig sabihin tinanggap mo Siyang panginoon at tagapagligtas, taos puso mo siyang susundin, paglilingkuran sa isip, salita at sa gawa. Ganon naman ang ginagawa ko ah – ewan ko, ikaw, kayo ang makasasagot niyan.Heto lang ang masasabi ko at uulitin kong muli ang mga apostol ni Hesus noong panahon nila mahigit tatlong taon silang magkakasama, subalit masasabi na hindi pa sila masasabing mga bagong nilalang – sapagkat noong nagkaroon ng sitwasyon si Hesus bago siya ipako, sila’y nagsipangalat, ipinagkanulo, itinakwil, ikinaila. Naging bagong nilalang lang sila ng matapos mabuhay na muli si Hesus – doon sinabi ni Hesus na dito sa ibabaw ng bato itatayo ko ang aking iglesya at walang kampon ng kadiliman ang mananaig sa kanila. Sino ang tinutukoy niya ang mga alagad niya…. Ganon din ang kaisipan ni Apostol Pablo, dati siya’y taga-usig ni Hesus subalit ng siya’y baguhin ni Hesus doon nagsimula ang pagiging – bagong nilalang niya. Ibig sabihin ang Diyos pa rin ang magkakaloob ng daan, paraan at lakas para maging mabong nilalang ka sa harap Niya, wala tayong magagawa sa ganang ating sarili lakas.....
Kaya kayo diyan nasa puso ba ninyo ang pagsasabing kayong nakipag-isa kay Hesus o nasa nguso lamang, at ito ba ay isinasagawa ninyo – kung hindi dahan dahan lang tayo kasi baka tayo’y nagkakasala.
Martes, Hulyo 22, 2008
Sukatan ng Tao..
Paano nga ba nasusukat ang isang tao? Ang pinag-uusapan natin ay yung pananaw, kalalagayan, pananalig ng isang tao hindi kung gaano siya kataas o katangkad. Meron nagsasabi na masusukat daw ang isang tao sa pamamagitan ng kaniyang kalalagayan sa buhay. Ano ito? Kung mayaman o dukha. Paano nasusukat ang tao sa pamamagitan ng yaman? Madaling masukat ito sapagkat tiyak akong nakalabas yun sa kaanyuan ng isang taong mayaman, kasunod noon ang karakter niya para sa ibang tao. Ibig sabihin sa pagtingin mo pa lang makikita mo na kung ang isang tao ay mayaman – siempre, pero hindi mo kaagad makikita yung karakter niya sapagkat ito’y makikita kapag nakasama, naka-usap at kumilos. Yan ang tao….
Paano naman sumusukat ang tao? Sumusukat ang tao karaniwan na sa pagtingin na kasunod ang pag husga sa kapwa tao, ganyan ang karaniwang tao. Ano ba ang babala ni Santiago sa mga taong may ganitong karakter, tunghayan natin sa mga sumusunod na talata:
Santiago 2: 1-4 - 1 Mga kapatid ko, kayo ay may pananampalataya na nasa Panginoong Jesucristo na Panginoon ng kaluwalhatian at kayo na may pananampalatayang ito ay huwag magkaroon ng pagtatangi ng mga tao. 2 Maaaring may pumasok sa inyong sinagoga na isang taong may gintong singsing at marangyang kasuotan. Maaari ding may pumasok na isang taong dukha na napakarumi ng damit. 3 At higit ninyong binigyan ng pansin ang may marangyang kasuotan at sinasabi mo sa kaniya: Maupo po kayo rito sa magandang dako. Sa taong dukha ay sinasabi mo: Tumayo ka na lang dito o di kaya ay maupo ka sa tabi ng patungan ng aking paa. 4 Hindi ba kayo rin ay may mga pagtatangi-tangi sa inyong mga sarili? Hindi ba kayo ay naging mga tagahatol na may masasamang isipan?
Paano naman sumusukat ang tao? Sumusukat ang tao karaniwan na sa pagtingin na kasunod ang pag husga sa kapwa tao, ganyan ang karaniwang tao. Ano ba ang babala ni Santiago sa mga taong may ganitong karakter, tunghayan natin sa mga sumusunod na talata:
Santiago 2: 1-4 - 1 Mga kapatid ko, kayo ay may pananampalataya na nasa Panginoong Jesucristo na Panginoon ng kaluwalhatian at kayo na may pananampalatayang ito ay huwag magkaroon ng pagtatangi ng mga tao. 2 Maaaring may pumasok sa inyong sinagoga na isang taong may gintong singsing at marangyang kasuotan. Maaari ding may pumasok na isang taong dukha na napakarumi ng damit. 3 At higit ninyong binigyan ng pansin ang may marangyang kasuotan at sinasabi mo sa kaniya: Maupo po kayo rito sa magandang dako. Sa taong dukha ay sinasabi mo: Tumayo ka na lang dito o di kaya ay maupo ka sa tabi ng patungan ng aking paa. 4 Hindi ba kayo rin ay may mga pagtatangi-tangi sa inyong mga sarili? Hindi ba kayo ay naging mga tagahatol na may masasamang isipan?
Sa unang sitas sa itaas babala ni Santiago na wag tayong magtangi sa pagtingin sa ibang tao. Ano ang ibig ipakahulugan nito na kaugnay sa ating pinag-uusapan? Ibig sabihin na tumingin tayo sa tao ng pantay pantay walang mayaman at dukha, wag agad manghusga sa isang tao sa pagtingin pa lamang hanggat hindi nalalaman ang tunay na dahilan. Dito sa ating pinag-uusapan nagbigay si Santiago ng halimbawa kung paano tumingin at magtangi ang mga tao noon, na tiyak ako na hanggang sa ngayon ganito pa rin ang nangyayari kahit sa loob ng Iglesya ni Jesus. Meron pa ngang masahol pa dito kung magturing sa ibang tao na sa tingin ay isang dukha – naroon yung masasakit na salita, pagsasapwera at pangmamaliit. Tama ba ito sa mga lingkod ng Diyos?
Santiago 2: 5-7 – 5 Makinig kayo, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutang ito na mayayaman sa pananampalataya? Hindi ba pinili silang taga-pagmana ng paghaharing ipinangako niya sa mga umiibig sa kaniya? 6 Hinamak ninyo ang taong dukha. Hindi ba ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa harap ng mga hukuman? 7 Hindi ba sila ang lumalait sa mabuting pangalan na itinatawag sa inyo?
Heto naman ang katotohanan na sinasabi ng kasulatan, na yaong mga nakakarinig ng mga masasakit na salita, pangmamaliit ang siyang pinili ng Diyos na maging mayaman sa pananampalataya, sapagkat ang karaniwang mayayaman ay yaman ang tinitingala hindi ang Diyos, ayon ba kayo doon? Yan ang katutuhanan na silang mga dukha ang piniling taga-pagmana ng kaharian ng Diyos, sapagkat sinabi sa kasulatan na mahirap pumasok ang mayaman sa langit..
Santiago 2: 8-11 – 8 Kung tinutupad ninyo ang maharlikang kautusan ayon sa kasulatan, mabuti ang inyong ginagawa. Ito ay nagsasabi: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 9 Kaya kung kayo ay nagtatangi ng tao, kayo ay nagkakasala at sinusuway ang kautusan bilang mga lumalabag. 10 Ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit natitisod sa isang bahagi ay nagkakasala sa buong kautusan. 11 Ito ay sapagkat sinabi ng Diyos: Huwag kang makiapid. Sinabi rin niyang huwag kang papatay. Kung hindi ka man nakiapid ngunit ikaw naman ay pumatay, ikaw ay lumabag din sa kautusan.
Sa sitas na 8 mahirap matagpuan sa mayaman ang pag-big sa kapwa sapagkat masasabi nating wala rin silang pag-ibig sa kanilang sarili, sapagkat nakatoon sa yaman ang kanilang kaisipan at kung paano pa yumaman. Doon naman sa nagsasabi na tumutulong naman ako sa mga dukha, tanungin nila ang kanilang sarili kung tunay ba ang kanilang pagtulong o ito’y ginagawa lang sapagkat nakikinabang sila sa mga taong ito.
Santiago 2:12-13 – 12 Kaya magsalita ka at gumawa tulad ng mga hahatulan na ng kautusan ng kalayaan. 13 Ito ay sapagkat walang kahabagang hahatulan ng Diyos ang sinumang nagkait ng habag. Ang kahabagan ay nananaig sa kahatulan.
Anong sinasabi sa mga sitas sa itaas magpakumbaba hindi tama ang sagot na depende sa tao yun, sapagkat ang hinihingi ng Diyos ay laging pagpapakumbaba, hindi yung pag husga sa mga taong hindi nila kauri. Sapagkat alalahanin ninyo na lahat tayo’y nilikha na kawangis ng Diyos….
Miyerkules, Mayo 7, 2008
Love Your Enemy!!!
Mateo 10:36 Ang kaaway ng isang tao ay ang kaniyang sariling kasambahay.
Lucas 1:71 Kaniyang sinabi na tayo ay ililigtas mula sa ating mga kaaway. Gayundin, mula sa kamay ng lahat ng mga napopoot sa atin.
Sa Banal na Kasulatan tahasang makikita at mababasa natin na “ang Diyos ay pag-ibig” bakit? Sapagkat Siya ang unang umibig sa atin ng isugo Niya ang
Kanyang bugtong na anak na si Hesus (Juan 3:16). Ano ba ang ibig ipakahulugan ng “pag-ibig”? Ayon sa banal na kasulatan – Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroong paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kung may pagsasalita ng mga wika, sila ay titigil. Kung may kaalaman, ito ay lilipas. Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig (1 Corinto 13:4-13)Ngayon naman balangkasin natin ang salitang “kaaway”. Ano bang ibig ipakahulugan nito? Ang kaaway
ayon sa bibliya ay ang mga taong hindi sumusunod, hindi kumikilala sa Diyos at yung mga taong patuloy na gumagawa ng kasalanan laban sa Diyos. Pero sinu-sino ba ang mga taong ito? Colosas 1:21 -At kayo na dating banyaga at mga kaaway ng Diyos dahil sa inyong pag-iisip at dahil sa inyong masasamang gawa ay ipinagkasundo ngayon. Santiago 4:4 - Hindi ba ninyo nalalaman, kayong mga mangangalunyang lalaki at babae na ang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya ang sinumang makikipagkaibigan sa sanlibutan ay kaaway ng Diyos. Yan ang mga sinasabing kaaway ng Diyos. Tanungin nga natin an gating sarili, kabilang ba tayo sa mga taong ito.Matapos nating makita ang magkabilang kahulugan ng ating kaisipan. Tanungin natin ano ba ang mahirap na mahalin ang isang kaaway? Ginawa na ba ito ng Diyos at ni Hesus? Oo naman kaya nga sinabi Niya na dati tayo’y mga banyaga at mga kaaway ng Diyos dahil sa ating mga kasalanang nagawa, subalit patuloy, nagtiyaga Siya sa atin at inabot upang makipagkasundo. Ito yung ibig ipakahulugan doon sa Colosas 1:21 sa itaas. Pero ang hirap eh na mahalin ang kaaway o umaaway at gawan ng mabuti at ipanalangin. Tama ang sinasabi sa itaas Mateo 10:36 na ang kaaway ng isang tao ay ang kaniyang sarili, kasi nga napaka-hirap supilin, turuan, mapasunod ang ating sarili, lalo na kapag lagi nating naiisip yung mga ginawa ng taong kaaway mo.
Heto ang sitwasyon. Ginawa ko naman ang sinasabi na patawarin ang nagkasala, napopoot, nang-aalipusta sa akin at ako mismo ang lumapit upang humingi ng kapatawaran, kahit na sabihin hindi yun matatawag na kasalanan. Subalit ganon pa rin ang nangyari galit na galit sa tuwing makakarinig ng mga pangangatwiran mula sa akin. Ano ang aking gagawin lalapitan ko na naman siya para humingi ng kapatawaran? Hindi kaya subra na ang ganon? Oo alam ko ang sinasabi sa kasulatan. Ilan bang beses dapat patawarin ang isang kapatid o nagkasala sa iyo? Pitungpot Pitong beses mong patawarin ang nagkasala sa iyo, yun ang sinasabi. Wala na bang katapusan yun kapag lagi na lang ganon? Matuto kaya ang isang taong ganon ang pag-uugali?
Siguro ito ang pinaka mahirap gawin sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ating Panginoong Hesus. Madaling sabihin, ituro, pero mahirap gawin sapagkat mahirap kalaban ang sariling pagkatao. Subalit yan yung tahasang ipinakita at itinuturo si Hesus sa atin bilang kanyang mga tinawag at taga-sunod.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
